
Isang di pangkaraniwang sakit ang dumapo kay Rene Boy Igloso, tubong Quezon, na dahilan ng patuloy na paglobo ng kanyang kaliwang binti.
Sa kasalukuyan ay tumitimbang ang isa niyang binti ng 25 kilo. Nangingitim, nagbubuko-bukol, at palaki nang palaki.
“Mabigat siya, mabilis ngalayin, mabilis mapagod. Kapag nangangalay po ako na-ano po muna ako na tayo o kaya naman po sa sahig na upo.
“Kung minsan po masakit kapag malayo po talaga ang pinaglalakaran.
"Kung minsan kapag nasasagi ng mga matatalas na halaman, kung minsan nasusugat ako nang di ko nalalaman. Makikita na lang namin may dugo na,” aniya.
'KMJS': Tigyawat na lumaki, ano kaya ang sanhi?
MUST-WATCH: Top 10 most viral stories of 'KMJS' this 2019!
Wala umanong nakahahawang virus ang 24-anyos na si Rene, pero iniiwasan siya ng marami, pinandidirihan, at kinukutya.
Ang tanging panangga na lamang niya para maiwasang pandirihan ng iba ay ang pagsusuot ng pantalon na ipinatahi para lamang sa kanya.
Ngunit dahil patuloy ang paglaki ng kanyang binti, unti-unti na ring napupunit ang kanyang mga pantalon, kaya't ang kanyang hiling, sana ay magkaroon siya ng sapat at kumportableng mga pantalon.
'KMJS': Ang babaeng hindi tumatanda?
KMJS: Sagradong bato, sikreto ng mga sentenaryo ng tribo Blaan?
Samantala, pagbubuli o pagtatahi ng sombrero ang pinagkakakitaan ng na ni Rene na si Pablita Igloso.
Gustuhin man daw ni Rene na makatulong sa kanyang ina ay hindi niya magawa dahil sa limitado lamang ang kanyang kayang gawin.
“Nahihirapan siyang tumindig. Kasi 'pag natindig siya, parang nabibigatan siya ng paa niya. Kasi, 'yung kanyang kaliwang paa walang lakas,” sabi ni Nanay Pablita.
Pero bukod sa paa niya, nagsisimula na ring bumukol ang kanyang likod.
Ano nga rason ng paglobo ng binti at likod ni Rene Boy?
Alamin ang kasagutan sa espesyal na pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho: