GMA Logo glaiza de castro instagram hacked
What's Hot

Glaiza de Castro, hiningan ng ransom para mabawi ang hacked Instagram account

By Aedrianne Acar
Published June 25, 2020 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Jericho Francisco Jr. gets another skateboarding gold for PH
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro instagram hacked


Inalarma ni Kapuso singer-actress Glaiza de Castro ang kanyang followers tungkol sa pagkaka-hack ng Instagram niya kagabi.

Laking gulat ng fans ng actress-singer na si Glaiza de Castro matapos ang sunud-sunod nitong Tweet kagabi, June 24 tungkol sa pagkaka-hack ng kanyang Instagram account.

Sa kanyang unang tweet, sinabi ni Glaiza “Na hack Instagram account ko. What to dooooooo wahhh."


Ibinahagi rin ng Kapuso star ang naging pag-uusap nila ng hacker.


Sa sumunod na Tweet ni Glaiza, hinihingan siya ng ransom ng hacker na $335 or Php 16,741.63 ( $1 to Php 49.98)

“$335. Nagtaas na nung presyo kumpara dun sa article na nabasa ko. Updated na po yung ransom”


Samantala, nagpasalamat naman si Glaiza sa lahat na nagpaabot ng tulong sa kanya para mabawi ang kanyang Instagram account.

Wika niya, “Gaiz salamat sa mga tulong niyo. Kaya natin to, may IG man o wala. Hahahuhuhuhuuuuuu.”


Dagdag pa niya, “Anyway gaiz, try na muna nating mag chill, may mga tumutulong naman at sobrang nakaka bawas ng stress. Pero medyo nakaka praning lang. Kaya, manonood muna ako ng Eternal Monarch.


Wala pang impormasyon kung nabawi na ni Glaiza de Castro ang kanyang account.

IN PHOTOS: Celebrities na nabiktima ng hackers