What's Hot

Kylie Padilla, aminadong may "unfinished business" sa Encantadia

By Dianara Alegre
Published June 26, 2020 12:18 PM PHT
Updated June 26, 2020 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla on encantadia


Hiling ni Kylie Padilla na magkaroon ng 'Encantadia' Season 2 at gumanap muli bilang si Amihan.

Ibinahagi ni Kylie Padilla na nais niyang magkaroon ng season two ang hit requel ng Encantadia dahil pakiramdam niya ay may “unfinished business” siya sa karakter niyang si Amihan.

Matatandaang nagpaalam sa kalagitnaan ng serye ang aktres dahil ipinagbubuntis niya ang bunso nilang anak ni Aljur Abrenica na Axl Romeo.

Ngayong ipinalalabas muli ang serye, sinabi ni Kylie na natutuwa siyang nadagdagan at tinatangkilik ng masa ang show.

“Nakakalungkot pala talaga. Parang...sayang. Nagdadasal ako, nananalangin na sana, may season two, pagbigyan ako ulit, magtiwala ulit sa 'kin.

“Parang feeling ko talaga, si Amihan may unfinished business ako sa kanya,” sabi ni Kylie.

Dagdag pa niya, gusto umano ni Kylie na makita ng viewers ang ganda at mensahe ng Encantadia.

“Natutuwa ako, siyempre, kasi nabuhayan sila. 'Tapos 'yung mga bagong nanonood, siyempre, gusto kong makita nila 'yung ganda talaga ng story ng Encantadia.

"'Yung mundo ng 'Encantadia,' gusto kong i-share sa kanila 'yon,” aniya pa.

Kylie Padilla remembers role in 'Encantadia'

'Encantandia' trends on Twitter on first night of re-airing!

A post shared by K Y L I E 🌙 (@kylienicolepadilla) on

Samantala, pansamantalang nawala sa limelight si Kylie nang isilang niya noong Disyembre si Axl Romeo.

Ibinahagi rin ni Kylie nakaranas siya ng prenatal depression habang ipinagbubuntis ito.

“Feeling ko, 'yung katawan ko nagre-recover pa. iba't iba, e, pero feeling ko nagre-recover pa siya.

"But then 'yung hormones, nu'ng nabuntis ulit ako parang hindi pa siya nag-stabilize tapos umangat, tapos…I don't know how to explain it,” lahad niya.

Pero aniya, kasabay ng pagsilang kay Axl ay ang paglulunsad din niya ng kanyang mga negsosyo.

Kaya talagang binabalanse umano ni Kylie ang panahon para sa kanyang mga anak, asawa at negosyo.

“It takes a village to raise kids, 'di ba? So, talagang time management lang.

"'Yun ang natutunan ko, in this moment, nanay ako, 'tapos 'pag tulog na, business naman, tapos asawa ka naman,” sabi pa ni Kylie.

LOOK: Kylie Padilla shares first photos of Baby Axl's face

LOOK: Kylie Padilla shows her sources of strength during postpartum recovery

Stay healthy and clean guys ✨🙏🏻 prayers up...

A post shared by K Y L I E 🌙 (@kylienicolepadilla) on