Showbiz News

UPDATE: Bagong silang na anak ni Super Tekla, nasa ICU matapos ang unang operasyon

By Cherry Sun

Nagbigay ng update si Super Tekla sa pamamagitan ng kanyang Facebook Live tungkol sa kalagayan ng kanyang bagong silang na anak. Ang kanyang newborn na si Miro ay isinilang na may anorectal malformation.

Ayon kay Super Tekla, kaninang umaga, June 26, ay sumailalim na sa colostomy ang kanyang anak. Nakakahinga na raw siya nang maluwag-luwag dahil naging matagumpay ang unang operasyon nito. Nananatili ang kanyng anak sa Philippine Children's Hospital sa Quezon City.

Panimula ng TBATS host, “Good news. Okay na po. Successful po 'yung unang operation ni Miro. Thank God, praise God! So this time, nasa ano na po siya… ililipat po sa ICU.”

Dugtong din niya, “Stable, successful po 'yung kanyang operation. Thank you, thank you! Salamat at heto na, nasa healing process na po tayo.”

Sa parehong live video ay nagpasalamat ang komedyante sa lahat ng nagdasal para sa kanyang baby. Idinetalye rin niya ang mga susunod na hakbang para sa patuloy na paggaling ng bata.

Wika ni Super Tekla, “Praise God po, thank you. Salamat, talagang granted ni Lord 'yung aking dasal. Unang-una 'yung safety at saka 'yung lakas ni Miro… Ang galing, sobrang tapang nung bata. Akalain mo, nag-undergo na siya agad ng medyo mabigat na operation, 'yung colostomy. Pang-prepare po 'yun doon sa susunod niyang operation, para po 'yung passage po… at nang makakain na siya.

“Pag makakain na po siya nang maayos at regular na po 'yung nilalabas niyang dumi, that's the time na makakakuha siya ng sapat na lakas para sa susunod na operation ay kayang-kaya na niya. Thank you po sa dasal. Thank you, thank you very much.”

Sa kasalukuyan ay nagre-recover din daw ang partner ni Super Tekla at ina ni baby Miro. Ang tiyahin daw ng bata ang pansamantalang nagbabantay sa kanyang anak. Nasa ICU kasi ngayon si baby Miro.

Kaya naman, panawagan din ng komediyante na kailangan niya ng babae na maaaring magsilbi bilang guardian ng kanyang anak sa ospital.

Aniya, siya mismo ang susundo sa maaaring magbantay ng kanyang anak. Garantisado rin daw ng ospital ang safety nito laban sa COVID-19.

Panoorin:

Unang iniulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras ang kundisyon ng anak ni Super Tekla.

WATCH: Tekla at David Remo, may nakakaiyak na Father's Day story

WATCH: Kilalanin ang anak ni Tekla na si Airah Librada