GMA Logo Lolit Solis
What's Hot

Lolit Solis, nagsalita tungkol sa 'price cut' sa talent fee ng mga artista

By Marah Ruiz
Published June 26, 2020 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis


Ibinigay ni Lolit Solis ang kanyang opinyon sa pagbabawas ng talent fee ng mga artista dahil sa COVID-19 pandemic.

Expected daw para kay veteran showbiz writer at celebrity manager na si Lolit Solis ang tinatawang niyang "price cut" o pagbabawas ng talent fee ng mga artista.

Tumigil kasi ang mga film and television productions dahil sa banta ng COVID-19.

Dahil dito, ilang buwan din kasing walang kita ang mga TV network pati na mga film producers.

"At huwag na tayo mag ilusyon, wala ngayon bargaining power ang mga artista dahil nga nasa sad state ang showbiz. Affected ang box office returns ng mga pelikula dahil sa limited seats ng mga sinehan, nag declare ang mga advertising company na per program na bibili ng commercial, hindi na by block na gaya ng dati, naranasan na rin ng mga TV station na malakas ang appeal ng mga replay at pinapanuod parin, so who can stop them to show all the replay for a year?" sulat ni Lolit sa kanyang Instagram account.

Sa tingin niya, dapat mag-adapt din sa panahon ang mga artista at manager hindi lang sa bagong paraan ng pagtatrabaho, kundi pati na sa sitwasyon ng mga TV Network at film producers.

"What the talents need is job, work, so kung ito ngayon ang standard, can you go against the flow? Pumayag ang mga managers sa hiling ng ABS na price cut, so imposible hindi ka pumayag kung hilingin iyan ng GMA 7, Viva, Regal at Star Cinema. Tanggapin na natin ang real situation, wala ngayon puwede magmalaki, dahil masikip ang mundo, hindi open field ngayon ang trabaho, kulang na kulang," aniya.

Alam mo Salve iyan price cut na hiniling ng ABS CBN imposible hindi rin hilingin ng GMA7 at mga movie producers. Hindi mo puwede sabihin na binigyan mo discount ang ABS kasi may problema ngayon, dahil tiyak isasagot sa iyo hihintayin nyo ba magka problema kami bago kayo magbigay discount sa amin ? At huwag na tayo mag ilusyon, wala ngayon bargaining power ang mga artista dahil nga nasa sad state ang showbiz. Affected ang box office returns ng mga pelikula dahil sa limited seats ng mga sinehan, nag declare ang mga advertising company na per program na bibili ng commercial, hindi na by block na gaya ng dati, naranasan narin ng mga tv station na malakas ang appeal ng mga replay at pinapanuod parin, so who can stop them to show all the replay for a year? What the talents need is job, work, so kung ito ngayon ang standard, can you go against the flow? Pumayag ang mga managers sa hiling ng ABS na price cut, so imposible hindi ka pumayag kung hilingin iyan ng GMA 7, Viva, Regal at Star Cinema. Tanggapin na natin ang real situation, wala ngayon puwede magmalaki, dahil masikip ang mundo, hindi open field ngayon ang trabaho, kulang na kulang. #classiclolita #73naaako #takeitperminutemeganun

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Sa ngayon daw, ilalagay niya sa kamay ng kanyang mga mina-manage na talent ang pagde-desisyon sa pagtanggap ng project ayon sa inialok na talent fee.

"Honestly, alam mo at nakikita mo kung gaano kahirap ngayon ang trabaho. So iiwan ko ang sagot sa mga alaga ko, dahil sila naman ang gagawa ng trabaho, desisyon nila masusunod. Kung ayaw nila, ok. Kung kaya nila hintayin hangga bumuti ang sitwasyon, ok. Pero kung talagang hindi kaya, bakit hindi pagbigyan iyon hinihingi na price cut?" sulat niya sa isa pang Instagram post.

Kailangan daw maging praktikal at mag-sakripisyo ng kaunti hanggang hindi pa bumubuti ang sitwasyon sa showbiz at sa bansa.

"Lahat ngayon dapat mag sacrifice dahil sa mga nangyayari. Ngayon ang panahon na dapat tulungan sa isa't isa para mag survive. Huwag ng mag ego trip kundi kaya, dahil ang importante trabaho. Maging practical sa realidad ng buhay. Huwag mabuhay sa ilusyon," dagdag pa niya.

They were asking me Salve as a manager kung ano ang stand ko sa price cut. Honestly, alam mo at nakikita mo kung gaano kahirap ngayon ang trabaho. So iiwan ko ang sagot sa mga alaga ko, dahil sila naman ang gagawa ng trabaho, desisyon nila masusunod. Kung ayaw nila, ok. Kung kaya nila hintayin hangga bumuti ang sitwasyon, ok. Pero kung talagang hindi kaya, bakit hindi pagbigyan iyon hinihingi na price cut? Lahat ngayon dapat mag sacrifice dahil sa mga nangyayari. Ngayon ang panahon na dapat tulungan sa isa't isa para mag survive. Huwag ng mag ego trip kundi kaya, dahil ang importante trabaho. Maging practical sa realidad ng buhay. Huwag mabuhay sa ilusyon. #classiclolita #73naako #takeitperminutemeganun

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Sa ilalim ng general community quarantine, maaari na muling mag-taping ang mga television shows at mga pelikula.

Naglabas din ang kanilang mga guidelines ang Film Development Council of the Philippines at Inter-Guild Alliance para sa kaligtasan sa set.