
Nitong June 26, inanunsyo ng aktres na si Cherie Gil na magkakaroon siya ng acting masterclass online at mapupunta ang kikitain nito sa mga batang miyembro ng indigenous people
Gaganapin ang kanyang Zoom class sa July 7, 9, 11, 14, 16, at 18, kung saan niya ibabahagi ang kanyang mga karanasan bilang aktres sa loob ng 45 taon.
“I created my own syllabus. Very personalized and shinare ko du'n 'yung aking process. Hopefully, I'm able to productively engage them,” sabi ni Cherie.
Dagdag pa niya, bukas daw ito sa mga aspiring actor na nais magkaroon ng dagdag kaalaman sa pag-arte at maging productive ngayong pandemic.
Nagmula raw ang inspirasyon dito habang nagsusulat ng kanyang workbook on acting habang naka-quarantine sa kanyang bahay.
Aniya, “Na-realize ko, bakit wala tayong local workbook in acting? Puro na lang tayo Stanislavski, puro na lang tayo from abroad.
"So I thought why not apply what I've learned from these mentors and these methods as well as my practical approaches and create one."
Ibinahagi rin ni Cherie na ang kikitain mula sa kanyang online masterclass ay kanyang ido-donate.
“This is an extension of Yakap Sining and I decided to focus on Save Our Schools Network, the Lumads and the children of Mindanao,” dagdag pa ng aktres.
Nakatanggap din ng suporta ang proyektong ito ni Cherie mula sa kanyang kapwa celebrities, kabilang na ang singer at theater actress na si Lea Salonga.
Panoorin ang buong 24 Oras report: