What's Hot

GMA Kapuso Foundation, nakapagpatayo ng bagong gusali para sa isang paaralan sa Marawi

By Marah Ruiz
Published July 2, 2020 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

British adult film star faces Bali deportation after studio raid
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation builds school


Bukod sa bagong gusali, nakapagpatayo din ng bagong stage ang GMA Kapuso Foundation para sa Patani Elementary School sa Marawi City.

Maraming nasirang mga paaralan dahil sa giyera sa Marawi noong 2017.

Kaya naman isa ito sa tinugunan ng GMA Kapuso Foundation sa Rebuild Dreams in Marawi campaign na inilunsad noong nakaraaang taon.

Dahil sa inyong mga donasyon, nagsimula nitong nakaraang Pebrero ang pagtatayo ng bagong gusali at stage sa Patani Elementary School sa Marawi City.

Nitong Hunyo naman naisagawa ang turnover, dahil na rin sa lockdowns na dulot ng COVID-19.

Natapos ang pagpapagawa salamat sa partners ng GMA Kapuso Foundation tulad ng The Coffee Bean & Tea Leaf, Mariwasa Siam Ceramics, Armed Forces of the Philippines (55th Engineer Brigade, 551st Engineer Brigade, 103rd Infantry Brigade), Provincial Local Government of Lanao del Sur, Marawi Cty Local Government, Department of Education, at Marawi City Division Ministry of Basic, Higher and Technical Education.

May dalawang classrooms at apat na comfort rooms ang gusali na tugon sa kakulangan ng mga silid-aralan sa eskuwelahan.

"Nagpapatuloy ito ng napakagandang partnership namin. Nakapagbigay na naman tayo sa ating kababayang Maranao ng isang project para sa edukasyon ng mga kabataan," pahayag ni AFP Chief of Staff General Filemon Santos, Jr.

Pero dahil walang face to face classes sa parating na pasukan, teachers muna ang gagamit ng mga bagong silid-aralan para maghanda sa pagtuturo sa kanilang online classes.

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.