
Maari nang magsimula ang mga produksyon ng programa sa telebisyon at ng pelikula sa ilalim ng general community quarantine.
Gayunpaman, aminado si Kapuso actress Mikee Quintos na may alinlangan pa rin siyang bumalik sa taping sa ngayon.
Mikee Quintos, naiyak nang alalahanin ang encounter sa isang 'Onanay' fan
"Parang nakakatakot pa rin. I'm sure hindi rin ako papayagan ng mommy ko agad agad.
"I think all parents are gonna be extra praning after.
"Siyempre, nakakatakot 'yung mga nangyari," pahayag ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Sa tingin niya, matatagalan pa bago masanay ang showbiz industry, pati na ang buong Pilipinas, sa "new normal."
"Mag-i-ease in 'yung mga tao slowly. I guess we'll see.
"Hindi din ako kokontra [sa mga magulang ko], the way I usually do kapag hindi ako pinapayagan lumabas.
"Baka this time hindi ako kumontra masyado. Let's see. I wanna ease into it. I wanna take it one day at a time and see how everything goes," aniya.
Pero handa rin naman daw siya kung sakaling kailangan nang magsimula muli ang trabaho. Kailangan lang daw ng ilang precautions.
"Wala namang mawawala kung extra ingat pa rin tayo. Practice pa rin ng social dstancing," bahagi ni Mikee.
Dagdag pa niya, "Sana magka vaccine na. That would make me feel safe na mayroon nang gamot para maging immune sa virus na 'yun."
Alamin ang iba pang paghahanda ni Mikee para sa tinatawang na "new normal" sa eksklusibong video na ito:
Bahagya nang nasubukan ni Mikee ang "new normal" nang mag-tape siya nang mag-isa para sa GMA TeleBahay short film na "Salamat 'Nay."
Dahil sa experience niya rito, mas napahalagahan daw niya ang lahat ng tao sa set, lalo na ang mga nagtatrabaho sa likod ng camera.