Article Inside Page
Showbiz News
Nagsanib puwersa na ang dalawang showbiz talk shows para mas makapaghatid ng hottest showbiz updates sa mga manonood.
Nagsanib puwersa na ang “Startalk” at “Showbiz Central” para mas makapaghatid ng hottest showbiz updates sa mga manonood. Text by Karen de Castro. Photos by Connie Tungul.

Sa back-to-back press conference ng top-rating showbiz talk shows, ang
Startalk at
Showbiz Central, held last April 29, in-announce ang merger ng dalawang shows para maihatid nang mas detalyado ang mga hottest showbiz issues.
Present sa nasabing event ang
Startalk hosts na sina Joey de Leon, Lolit Solis, at Ricky Lo, at ang
Showbiz Central hosts na sina Pia Guanio, Rufa Mae Quinto, John “Sweet” Lapus at si DJ Mo Twister.
Very optimistic ang mga hosts sa latest development na ito.
“[I feel] great, because “Showbiz Central” is a good enough show but “Startalk” is also like a force to reckon with,” shares Pia. “We’ve joined forces para mas lalo pang patibayin ‘yung showbiz weekend talk shows.”
“I think this is just another way to become competitive in an industry growing with showbiz talk shows,” says DJ Mo. “This is GMA’s pitch to solidify yung weekend chismis and they do this by interacting both TV shows kasi alam naman natin
Startalk nauuna sila sa balita dahil you know nauuna sila, Saturdays…If we can share the hosts we’ll be able to really know everything na nangyayari dito sa showbiz.”
Ipinaliwanag naman ni Ricky kung paanong gagawin ang pagtutulungan na ito. “Since una ‘yung
Startalk, Saturday ‘yung breaking story, tapos ‘pag may follow-up [or] may development,
Showbiz Central. Parang nagtutulungan lang ang dating.”
Nagbigayan naman ng mga compliment ang mga hosts about the other show na naka-merge nila.
“Ang lamang lang ng
Startalk, nauuna kami, pero lahat ‘yan pare-pareho ng chismis,” says Joey. “Pero llamado kami dahil nauuna kami unless ‘yung event mangyari after evening ng Sabado, sigurado sakop na ng
Showbiz Central ‘yan.”
Umaasa naman si Sweet na magiging positive ang effect ng mga tiga-
Startalk sa mga tiga-
Showbiz Central . “I’m a fan of
Startalk, especially their content, so magandang maganda ngayon na nagkaron ng merger. Hopefully, [sa] mga staff ng
Startalk, ma-inspire ang staff ng
Showbiz Central to have content as bombastic as what
Startalk has been showing for the past 14 years.”
Ngayong magkatulong na ang
Startalk and
Showbiz Central sa pagbabalita ng pinakamaiinit na showbiz news, sino naman kaya sa tingin nila ang pinakamagaling na host sa kanilang lahat?
“Pinakamagaling, kahit pagsamahin ‘yung dalawa, si Lolit, kasi siya yung pinakamatapang,” agad sinagot ni Joey. “Kasi ‘yan ang buhay ng chismis--kung ‘di ka naman matapang, walang kuwenta yan.”
He even jokes about Lolit. “’Yung iba sigurista lang. Ayan si Lolit, handang magpakulong.”
Sina Rufa Mae at Sweet naman ay napa-bow sa hosting and interviewing skills ni Pia.
“Idol ko si Ms. Pia Guanio bilang host,” says the sexy comedienne. “I think sa pagiging talk show host ang galing niya talaga for me kasi baka talent niya talaga. Kahit sino iniinterview niya natutulala ako, magaling siya maghost period,” shares Sweet.
Panoorin ang mas pinagandang
Startalk every Saturday after
Eat Bulaga and
Showbiz Central every Sunday after
Dear Friend only on GMA 7.
Anong masasabi ninyo sa pagsasanib ng puwersa ng
Startalk at
Showbiz Central? Discuss it sa
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Check out the photos from the back-to-back press con of
Startalk and
Showbiz Central in this photo gallery.