
Matapos ang ilang buwan na hindi pagta-trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic, masayang ibinalita ng Kapuso actress na si Manilyn Reynes na nakapag-dubbing na siya para sa pelikula niyang 'Mang Jose' kung saan bida si Janno Gibbs.
Sa Instagram post ni Manilyn noong Sabado July 4, ibinahagi niya ang ilang highlights ng kanyang dubbing session.
Naging ma-ingat din daw sila at sumunod sa panuntunan na mag-suot ng mask at mag-social distancing.
“Kaninang umaga, back to work po ako. First day of work sa labas ng bahay, sa dubbing ng 'MANG JOSE.' Nakapag-dub na si King Ina, hihi.
“Sinanitize po ang studio, naka-mask ang lahat at may social distancing. Thanks to Anna, JL & Tita Beth. Salamat po, God.”
Ayon sa report ng spot.ph, producer ng pelikulang “Mang Jose” sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas at ang napiling director ng movie ay si Rayn Brizuela.
Manilyn Reyes, sinabihang "OA" ang suot na face shield