
Malungkot na ibinalita ni Mark Herras na na-hack ang kanyang Instagran account at Facebook page kaninang madaling araw, June 7.
Sa isang video na ini-upload sa account ng fiancee ni Mark na si Nicole Donesa, pinaalalahanan ni Mark ang publiko na hindi siya kailanman manghihingi ng pera.
“Hi, guys. Konting paalala lang po, beware, na-hack po 'yung account ko sa Instagram ko, 'yung @herrasmarkangeloofficial, at 'yung Facebook account ko na Angelo Santos,” saad ni Mark sa kanyang video.
“Sa mga kaibigan ko, sa family, sa friends, at sa mga pina-follow ko at sa nagpa-follow sa akin, baka mayroon mag-message sa inyo or baka maghingi ng pera or what, hindi po ako 'yun.
“Inuulit ko, hindi po ako 'yun. Na-hack po 'yung account ko, 'yung Instagram ko, at 'yung Facebook ko.
“Spread the word. Maraming maraming salamat po.”
Kung pupuntahan ang official Instagram account ni Mark, limited na lang ang makakakita nito sa may edad na 99 o pataas.
Ayon sa Instagram, may feature ang kanilang website kung saan restricted ang content sa isang specific na edad.
Kadalasang nag-a-upload ng kanyang TikTok dance covers si Mark sa kanyang Instagram account, bukod sa ilang larawan.
IN PHOTOS: Celebrities na nabiktima ng hackers