GMA Logo wish ko lang new theme song
What's Hot

Bagong theme song ng 'Wish Ko Lang,' pinusuan ng netizens

By Racquel Quieta
Published July 7, 2020 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

wish ko lang new theme song


Panoorin ang unang silip sa pagbabalik-telebisyon ng 'Wish Ko Lang' at pakinggan ang new theme song na inawit nina Aicelle Santos at Maricris Garcia DITO:

Excited ka na ba sa pagbabalik-telebisyon ng Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales?

Magahahatid na muli ng pag-asa at inspirasyon ang Wish Ko Lang ngayong July 11/ Source: @WishKoLangGMA (FB)

Ngayong Sabado, July 11, sa ganap na alas-kwatro ng hapon, mapapanood na ang unang comeback episode ng Wish Ko Lang sa GMA-7.

At isa sa pinakaunang sorpresang hatid ng programa ay ang bagong theme song nito, na inawit ng Kapuso singers na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Ang bagong theme song ay kinompose ni Natasha L. Correros at prinoduce ng GMA Post Music Production.

Maraming Kapuso ang nagbahagi ng kanilang tuwa at excitement sa pagbabalik ng Wish Ko Lang.

Source: @WishKoLangGMA (FB)

Tila 'wish granted' ito para sa maraming Pinoy na nais iparating kay Vicky Morales ang kanilang natatanging hiling.


Source: @WishKoLangGMA (FB)

At talaga namang napapanahon ang pagbabalik ng Wish Ko Lang dahil maraming Kapuso ang nangangailangan ng tulong ngayong panahon ng pandemya.


Source: @WishKoLangGMA (FB)

Kaya kung isa ka man sa mga maraming Pilipinong may hiling na nais matupad, o nais mo lamang ng 'feel good' na programang maghahatid sa'yo ng pag-asa at inspirasyon ngayong panahon ng pandemya, abangan ang unang comeback episode ng Wish Ko Lang, ngayong July 11, Sabado, 4 p.m. sa GMA-7.

Wish Ko Lang, magbabalik-telebisyon na ngayong July!

Magbabalik ang isang Kapuso program para tuparin ang iyong hiling!