GMA Logo Mikee Quintos
What's Hot

Mikee Quintos, may mga personal projects na binubuo ngayong quarantine

By Marah Ruiz
Published July 9, 2020 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Naging busy si Mikee Quintos sa pagbuo at pagpapahinog ng ilang personal projects ngayong quarantine.

Pinuno ni Kapuso actress Mikee Quintos ng maraming creative activities ang kanyang oras habang naka quarantine.

Kabilang na dito ang pagguhit at pagtutog ng mga instrumento. Bukod dito, naglaan din daw siya ng panahon para sa ilang personal projects.

"I wanna keep that private muna. May mga things akong sinisumulan sa sarili ko na gusto ko muna siya pahinugin or buoin by myself bago ko siya i-share with anyone else. Kahit sa mga kapatid ko, ayoko din ikuwento dito sa bahay, sa mga kasama ko," pahayag ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Marami pa daw kasi siyang kailangan i-handa para masiguradong pulido ang mga ito.

"Ayoko muna kasi feeling ko, creatively, na kapag na kuwento ko na siya sa ibang tao, makukulong na 'yung utak ko sa ganoong idea. Mahihirapan na 'kong mag-think out of the box 'pag kinuwento ko siya sa iba. Ayokong makulong doon kaya gusto ko muna siya i-develop nang i-develop," aniya.

Naghihintay lang din daw siya ng tamang panahon para ibahagi ang mga ito.

"When I'm confident about it, when I feel like its good enough, I'll share it,"

Alamin ang iba pang pinagkaabalahan ni Mikee habang quarantine sa eksklusibong video na ito:



Kamakailan, naglabas ng bagong channel trailer si Mikee para sa kanyang YouTube vlog.

Ayon dito, mag-iiba ng direksiyon at magiging mas inspirational ang takbo ng mga video na gagawin ni Mikee.