
Huwag kakabakaba ngayong may pandemya mga Kapuso, lalo na sa usapin ng personal finances dahil may iba't-ibang “pera paraan” ang batikang TV-radio anchor na si Susan Enriquez on how to survive the financial challenges under the new normal.
Tutukan ang bago niyang programa sa inaabangan na New Normal: The Survival Guide strip sa primetime ng multi-awarded news channel na GMA News TV ngayong buwan ng Hulyo.
Sa recent interview ni Susan kasama ang entertainment press, ibinahagi niya kung paano makakatulong ang programa niya na Pera Paraan sa viewers na gipit sa pera sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sambit niya, “So usaping pera itong pag-uusapan dito sa ating programa, every Wednesday naman ito. For the pilot episode, alam naman natin na during this pandemic talagang isa sa naging challenges sa atin kung papaano natin ima-manage 'yung pera na hawak natin, because marami sa atin nasa bahay.
“May mga nawalan ng trabaho or kung mayrun man temporarily nag-stop, so wala silang means of livelihood, wala silang pagkukunan ng kabuhayan.
“Dito magbibigay kami ng tips and ideas kung papaano ba magkakaroon tayo ng kita sa paraan na hindi tayo mapapahamak or tatamaan nitong COVID-19 virus.”
TV/radio anchor Susan Enriquez, aminadong apektado sa mga kuwento na nire-report ngayong may pandemya
Fighting the prevalence of fake news thru GMA News TV strip 'New Normal: The Survival Guide'