
Tulad ng ibang naka-work-from-home ngayong COVID-19 pandemic, nakakaranas rin ng ilang hindi kaaya-ayang sitwasyon ang mga celebrities.
Isa sa mga ito ay si Aicelle Santos. Sa kanyang Instagram video ay ipinakita niya ang mga pangyayari habang siya kumakanta sa kanilang tahanan para sa programang All Out Sundays.
Saad ni Aicelle, "The unglamorous side of WorkFromHome. Watch 'til the end!"
Sa gitna ng kanyang shoot ay tila unti unti na siyang nilalapitan ng mga gamu-gamo. Dahil dito tinulungan siya ng kanyang asawa na si Mark Zambrano para makapagpatuloy na siya sa pagkanta.
Dugtong ni Aicelle sa kanyang post ay ang pasasalamat sa kanyang asawa.
"Big thanks to my cameraman, lightman, wardrobe and insect control guy, @markzambrano. Salamat mahal ko. #AllOutSundays #bloopers"
Aicelle Santos at Maricris Garcia, nag-collaborate para sa theme song ng 'Wish Ko Lang'
Mark Zambrano completes push-up challenge with pregnant wife Aicelle Santos