GMA Logo miss sinulog monica afable selling pilipit
What's Hot

Teenage beauty queen ng Samar, naglalako ng pilipit ngayong may pandemya

By Jansen Ramos
Published July 13, 2020 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars to stream exclusively on YouTube from 2029: Academy
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

miss sinulog monica afable selling pilipit


Malayo sa enggrandeng mundo ng pageantry, kasalukuyang naglalako ng siakoy, o pilipit, ang Miss Sinulog 2020 na si Monika Afable.

Binansagang "humble queen" ang Miss Sinulog 2020 na si Monika Afable matapos mamataang naglalako ng siakoy, o mas kilala sa tawag na pilipit, sa Borongan City, Eastern Samar.

Minabuti ng 17-year-old beauty queen na humanap ng pagkakakitaan para may panggastos ngayong panahon ng pandemya, ayon sa Facebook post ng Pageanthology-101 Philippines.

Ika ng lola ni Monika na si Sisa Balan, proud siya sa kanyang apo dahil hindi nito alintana ang sikat ng araw na maaaring magdulot ng pangingitim ng kanyang balat.

Marami naman ang humanga sa kababaong-loob at kasipagan ni Monika dahil hindi nito ikinakahiya ang pagbebenta sa kalsada para may pangtustos sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Nagpasalamat naman siya sa mga magagandang salitang natanggap niya mula sa netizens. Aniya, "Omg! Thank you."

Kinoronahang Sinulog Festival Queen 2020 si Monika noong January 17 sa Cebu City Sports Center.

Bukod sa titulo, iginawad din sa kanya ang special award na Best in Runway at apat na corporate awards.