GMA Logo LJ Reyes and Paolo Contis
What's Hot

LJ Reyes, proud of Paolo Contis's Netflix success

By Cara Emmeline Garcia
Published July 14, 2020 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes and Paolo Contis


Umabot na sa Number 1 ang pelikula ni Paolo Contis at Alessandra de Rossi na 'Through Night and Day' sa Netflix.

Hindi napigilan ni LJ Reyes na ipagmalaki ang kanyang partner na si Paolo Contis matapos maging #1 ang pelikula na Through Night and Day sa trending list in the Philippines ng Netflix.

Saad ni LJ, “Let not this night pass without me posting how proud we are of you!!!

“'Pag pwede ka na tumabi sa amin, panuorin natin ulit pati Ang Pangarap Kong Holdap. 'Di ko kaya ng ako lang!

“I'm so happy that now people will see how good of an actor you are and so much more!

“I'm so grateful to see you become the best of you! And much more grateful that it's unfolding right before my eyes!”

Dagdag pa ng Kapuso actress, ikukuwento niya kaagad ang bagong achievement ni Paolo sa kanilang anak na sina Aki at Baby Summer Ayana pagkagising nila sa sumunod na araw.

“'Pag gising ng mga bata ipapakita ko. Kitang-kita ko na ang magiging reaction nila! Lalo na si Aki!

“Hahaha! Ngayon, pwede na kita gupitan?

“We love you @paolo_contis!”

Let not this night pass without me posting how proud we are of you!!!!❤️❤️❤️👏🏻👏🏻👏🏻 pag pwede ka na tumabi samin, panuorin natin ulit pati ang #AngPangarpKongHoldap! Di ko kaya ng ako lang!😭😭😭 I'm so happy that now people will see how good of an actor you are and so much more!!! I'm grateful to see you become the best of you! And much more grateful that it's unfolding right before my eyes!❤️❤️❤️ pag gising ng mga bata papakita ko. Kitang kita ko na magiging reaction nila! Lalo na si Aki!!!! Hahaha ngayon, pwede na kita gupitan???🤣😅 we love you @paolo_contis!!!

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on

Number One!

Sa kanyang personal na Instagram din nagpasalamat si Paolo sa mga taga-suporta niya at ng pelikulang Pilipino.

Gamit ang isang screenshot ng kanilang telebisyon na nagpapakita ng kanilang pelikula, isinigaw ng Kapuso comedian ang mga salitang, “Akalain mo yun!

“Salamat po sa inyong lahat! #ThroughNightAndDay #NumberOne”

'Through Night and Day,' number one sa Top 10 Philippines list ng Netflix / Source: paolo_contis (IG)

Ganito rin ang naging sentimyento ng co-star ni Paolo Contis sa pelikula na si Alessandra de Rossi sa Twitter.

Biro ng aktres, “Ay, taray! Never ako nag Top 1 nung elementary. Ito na yata 'yun.”

Ang Through Night and Day ay kuwento ng magkasintahan na nagbakasyon sa Iceland. Dito nasuri nila ang kanilang relasyon dahil unti-unti nilang natutuklasan ang kani-kaniyang mga pagkakamali at kung gaano sila naiiba.

Alessandra de Rossi thanks fans for supporting 'Through Night and Day' after Netflix premiere

Alessandra de Rossi, muntik nang mapaaway sa Iceland while researching for 'Through Night and Day'