What's Hot

Stand-up comedians, may fundraising concert para kay Kim Idol

By Dianara Alegre
Published July 14, 2020 11:41 AM PHT
Updated July 14, 2020 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Alas Women fall to Vietnam in volleyball semis, drop to bronze medal game
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Idol


Sa pangunguna nina Philip Lazaro at Teri Onor, magkakaroon ng online fundraising concert ang samahan ng stand-up comedians sa bansa bilang pagpupugay kay Kim Idol ngayong gabi, July 14.

Bilang pagpupugay sa namayapang komedyanteng si Kim Idol o Michael Argente sa tunay na buhay, magdadaos ang mga kaibigan at kasamahan niya sa comedy industry ng isang fundraising concert ngayong gabi, July 14.

Sa pangunguna ng mga komedyanteng sina Philip Lazaro at Teri Onor, tampok sa online concert ang mga performance ng mga kaibigan niya sa showbiz at mga entertainer sa ilang comedy bars sa bansa.

“We want to also help the mom kasi talagang bilin niya 'yan kina Teri na 'Wag n'yong pababayaan ang nanay ko',” pahayag ni Philip.

Gaganapin sa Facebook page ng SCOPE (Stand-up Comedians of Philippine Entertainment) ang tribute concert para kay Kim sa ganap na 8:00 ng gabi.

IN PHOTOS: Celebrities mourn the passing of Kim Idol

SUNDAY IS CHURCHDAY!❤️

Isang post na ibinahagi ni Kim Idol (@kimdinosaur) noong

Samantala, inalala naman nina Super Tekla, Philip at Centerstage host Alden Richards ang namayapa nilang kaibigan.

“Siya 'yung nag-encourage sa akin na maging malakas, maging matapang. Hindi siya 'yung taong tipong makikitaan mo ng problema,” ani Super Tekla.

Ibinahagi naman si Philip ng huling usapan nila ni Kim bago ito namayapa.

“Ang sabi pa niya sa 'kin was, 'Mama Philip, kung alam n'yo lang po kung ano ang mga tinitiis ko 'pag nasa work ako for the sake of surviving and helping others to survive too,” aniya.

Ipinahatid naman ni Alden ang kanyang pakikiramay para sa mga naulila ni Kim.

“Sobrang bait na tao n'yan, lagi kaming pinapatawa. Malaki siyang kawalan sa industriya ng comedy sa ating bansa. Sa pamilya po ni Kim Idol, nakikiramay po ako,” aniya.

Binawian ng buhay si Kim Idol nitong Lunes, July 13, ilang araw matapos itong isugod sa ospital dahil sa komplikasyon sa sakit niyang Arteriovenous Malformation (AVM).

PANOORIN: Huling performance ni Kim Idol

Remembering the life of comedian Kim Idol