GMA Logo Lolit Solis and Paolo Contis
What's Hot

Lolit Solis, pinuri ang tagumpay ni Paolo Contis sa kaniyang mga pelikula sa Netflix

By Felix Ilaya
Published July 18, 2020 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis and Paolo Contis


Masayang-masaya ang showbiz columnist na si Lolit Solis na marami ang nakapansin sa husay ni Paolo Contis sa mga pelikulang 'Through Night and Day' at 'Ang Pangarap Kong Holdap.'

Marami ang humanga sa Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis sa kaniyang pagganap bilang Ben sa pelikulang 'Through Night and Day' na kamakailan lang ay nagsimula nang ipalabas sa streaming app na Netflix.

Maliban sa 'Through Night and Day,' nag-trending din ang performance ni Paolo sa comedy-heist movie na 'Ang Pangarap Kong Holdap.'

Isa sa masaya para sa tagumpay ni Paolo ay ang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis. Sa isa sa mga Instagram posts ni Lolit, binati niya ang aktor dahil sa ipinamalas niyang versatility sa dalawang pelikula niya na available sa Netflix.

Aniya, "Tuwang tuwa ako Salve na ang daming pumupuri kay Paolo Contis sa dalwang pelikula niya na palabas ngayon sa Netflix.

"Parang nakalimutan na ng marami na child actor si Paolo Contis na bata pa ay hinahangaan na ang acting prowess, actually nga dahil medyo chubby si Paolo ngayon kaya distracting kung minsan ang body language niya.

"Mapa-comedy o drama, action, at ngayon nagta-try sa hosting kayang kaya ni Paolo Contis."

Tuwang tuwa ako Salve na ang daming pumupuri kay Paolo Contis sa 2 pelikula niya na palabas ngayon sa Netflix. Parang nakalimutan na ng marami na child actor si Paolo Contis na bata pa ay hinahangaan na ang acting prowess, actually nga dahil medyo chubby si Paolo ngayon kaya distracting kung minsan ang body language niya. Mapa comedy o drama, action, at ngayon nagta try sa hosting kayang kaya ni Paolo Contis. Siguro nga, dahil may inner happiness siya at ok ang relasyon nila ni LJ Reyes kaya mas masigla siya sa trabaho. Ayaw ko ng ulitin pa ang panghihinayang na bago nila natagpuan ni LJ ang isa't isa, nadapa sila sa maraming bato sa path na kanilang dinaanan bago natagpuan ang mas matibay na daan na siya siguro nilang ginagalawan sa ngayon. Any good thing will never be late, kahit ilang dapa ang importante iyon pagbangon, at basta natagpuan mo na ang ginawa para sa iyo , habang buhay mo ng ingatan. To Paolo Contis, keep it up, sana lahat ng naitapon mo sa search for the real one mabalik para lalo kang maging stable. Congrats, Netflix king, bongga. ❤️❤️ #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Masaya rin si Lolit para kay Paolo dahil nahanap na nito ang kaniyang "The One" sa Kapuso actress na si LJ Reyes.

"Siguro nga, dahil may inner happiness siya at ok ang relasyon nila ni LJ Reyes kaya mas masigla siya sa trabaho.

"Ayaw ko ng ulitin pa ang panghihinayang na bago nila natagpuan ni LJ ang isa't isa, nadapa sila sa maraming bato sa path na kanilang dinaanan bago natagpuan ang mas matibay na daan na siya siguro nilang ginagalawan sa ngayon.

"Any good thing will never be late, kahit ilang dapa ang importante iyon pagbangon, at basta natagpuan mo na ang ginawa para sa iyo , habang buhay mo ng ingatan.

"To Paolo Contis, keep it up, sana lahat ng naitapon mo sa search for the real one mabalik para lalo kang maging stable," wika ng showbiz columnist.

Binansagan din niya si Paolo bilang "Netflix King."

Nagpasalamat naman si Paolo sa mga papuri ni Lolit sa kaniya.

Ani Paolo, "Labyu Nay! Thank you!"