What's Hot

Kilalanin si Clint Bondad sa 'Tunay na Buhay'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 20, 2020 7:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Clint Bondad


Sa 'Tunay na Buhay,' ikinuwento ng model-actor na si Clint Bondad kung bakit siya pumunta ng Pilipinas mula sa Frankfurt, Germany.

Noong August 2019, ikinuwento ni Clint Bondad sa Tunay na Buhay kung bakit niya kinailangang lumipad papuntang Pilipinas mula sa Frankfurt, Germany, kung saan siya isinilang at lumaki.

Kuwento ni Clint, gustong-gusto niyang makaalis ng Germany at pumunta sa Pilipinas dahil umano sa stress.

Saad niya, “Funny thing is that I always wanted to go out of Germany. I just wanted to get away in Germany.

“I was very, I think, stressed when I was growing up, as a teenager.

“I just wanted to be myself kasi I was very independent already very early.”

Dagdag ni Clint, pinapunta siya sa Pilipinas ng kanyang mga magulang dahil nagiging pasaway na siya during his teenage years.

“More on the school aspect,” kuwento ni Clint.

“I've been drinking [but] to be fair, there was a time where I was just drinking in my teenage days but I stopped because of fitness.”

Panoorin ang buong episode ng Tunay na Buhay ni Clint Bondad sa video sa itaas.

Kamakailan ay naging usap-usapan si Clint sa social media matapos siyang mag-post ng mga cryptic na mensahe.

Nagsimula ito nang magpadala ng private message si Clint sa aktor na si Sam Milby, ang kasalukuyang boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Naghiwalay sina Clint at Catriona noong 2019 matapos ang anim na taon.

Wala pa ring pahayag si Clint tungkol sa kanyang posts sa Instagram.