GMA Logo Jennylyn Mercado and Bianca Umali
What's Hot

Jennylyn Mercado to Bianca Umali: "You are beautiful"

By Jansen Ramos
Published July 27, 2020 7:40 PM PHT
Updated July 28, 2020 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado and Bianca Umali


Alam ny'o ba na kinilala sina Jennylyn Mercado at Bianca Umali ng isang fashion magazine na may pinakamagagandang mukha sa industriya kapag walang makeup?

"You are beautiful."

Ito ang mensahe ni Jennylyn Mercado sa kanyang kapwa Kapuso star na si Bianca Umali matapos umani ng batikos ang 20-year-old actress dahil sa unfiltered photo niya na ipinost niya sa Instagram noong Sabado, July 25.

Bianca Umali

Ibinahagi ng Ultimate Star ang kanyang short but sweet message para kay Bianca, na biktima ng body shaming, sa kanyang Twitter account.

Sumang-ayon naman ang ilang netizens sa pahayag ni Jennylyn.

Ayon pa sa ilang netizens, hanga sila sa pagmo-motivate ni Jennylyn sa kapwa niya babae, na naging tampulan ng pamba-bash dahil sa pisikal na kaanyuan.

Hindi pa nagkakasama sina Jennylyn at Bianca sa serye o pelikula, pero naging malapit sila dahil madalas silang magkasama sa ilang GMA events.

Kamakailan lang ay kinilala sila ng isang fashion magazine bilang dalawa sa 'Best of Barefaced Beauty' matapos na walang takot na magtanggal ng makeup on-cam.