GMA Logo sunshine dizon to haters
What's Hot

Sunshine Dizon to her haters: "Maaari na po kayong mag-unfollow."

By Cara Emmeline Garcia
Published July 28, 2020 11:01 AM PHT
Updated July 28, 2020 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

sunshine dizon to haters


Hindi nagpatalo si 'Magkaagaw' actress Sunshine Dizon sa kanyang bashers na bumabatikos sa recent post niya.

Tulad ng kanyang mga ginampanang karakter sa ilang teleserye, palaban na hinarap ni Magkaagaw actress Sunshine Dizon ang mga basher na bumabatikos sa kanyang latest Instagram post.

Ang nasabing post ay nagsasaad ng saloobin ni Sunshine tungkol sa ilang mga isyung hinaharap ng bansa ngayon.

Kaya naman nakatanggap ng ilang comments ang post na ito, na ngayon ay itinanggal na ng Kapuso actress.

Tugon ni Sunshine sa mga paratang sa kanya, “Salamat sa mga maayos na nagbigay ng opinyon at marunong rumespeto din sa opinyon ng iba.

“Hindi man tayo pare-pareho ng katwiran, lahat sana ng Pilipino ay matutong magpahayag ng tama at ayon sa pinag-uusapan at hindi iyong pamemersonal at pambabastos ang kanilang paraan upang depensahan nila ang kanilang katwiran.

“Salamat sa mga nakiisa.”

Ayon kay Sunshine, bibigyan niya ng pagkakataong mag-unfollow ang kaniyang fans-turned-bashers upang hindi na humantong sa sakitan ng saloobin ang isa't isa.

Dagdag niya na ipagdarasal niya ang bansa at ang mga namumuno nito upang palaguin ang kapakanan ng bawat Pilipino.

“At sa iba na hindi tanggap ang aking opinyon, maaari na po kayong mag-unfollow para hindi na po tayo magkasakitan ng damdamin.

“Ipagdarasal ko ang Pilipinas at lahat ng namumuno.

"Gabayan sana sila ng Poong Maykapal upang himukin at maalala nila ang tunay nilang tungkulin: magsilbi para sa bayan, para sa mga Pilipino, at hindi para sa kanilang sarili.

“Salamat po.”

#itoangsonako #sonangaling #sonatotoo Salamat sa mga maayos na nag binigay ng opinyon at marunong rumespeto din sa opinyon ng iba. Hindi man tayo parepareho ng katwiran lahat sana ng Pilipino matututong mag pahayag ng tama at ayon sa pinag uusapan at hindi iyong pa memersonal at pambabastos ang kanilang paraan upang depensahan nila ang kanilang katwiran. Salamat sa mga naki isa at sa iba na hindi tanggap ang aking opinyon maari na po kayong mag unfollow para hindi po tayo magkasakitan ng damdamin. Ipagdarasal ko ang Pilipinas at lahat ng na mumuno gabayan sana sila ng Poong May Kapal himukin at ma alala nila ang tunay nilang tungkulin. Mag silbi para sa bayan, para sa mga Pilipino at hindi para sa kanilang mga sarili. Salamat po.

A post shared by 𝓜𝓲𝓼𝓼 𝓢𝓾𝓷𝓼𝓱𝓲𝓷𝓮 𝓓𝓲𝔃𝓸𝓷 (@m_sunshinedizon) on