GMA Logo Lolit Solis at Mark Anthony Fernandez
What's Hot

Lolit Solis, nanghihinayang para kay Mark Anthony Fernandez

By Cherry Sun
Published August 7, 2020 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Scottie Barnes hits special triple-double, Raptors top Warriors in OT
1 dead, 1 hurt after tunnel collapses in Zamboanga del Sur
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis at Mark Anthony Fernandez


“Sayang dahil bago namatay si Rudy akala niya mahusay na ang kinalalagyan ni Mark Anthony.” Ibinahagi ni Lolit Solis ang lungkot na nararamdaman sa naging takbo ng buhay ng dating matinee idol at anak nina Rudy Fernandez at Alma Moreno.

Inilahad ni Lolit Solis ang kanyang panghihinayang sa sinapit ni Mark Anthony Fernandez, anak ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez kay Alma Moreno.

Mark Anthony Fernandez

Noong October 2016, naging laman ng balita si Mark Anthony matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana. Ikinulong ang dating matinee idol ngunit nakalaya na rin siya noong December 2017.

Kahit laya na, sinundan pa rin ng kontrobersiya si Mark Anthony. Kumalat kasi ang balitang may nabuntis siyang dalawang jail officers ngunit itinanggi rin niya ito.

Naging maugong din ang balitang magkakaroon siya ng reunion movie kasama ang kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto ngunit hindi rin ito natuloy.

Muling nag-lie low sa mata ng publiko si Mark Anthony ngunit ayon kay Lolit ay matagal nang usap-usapan ngayon ang pakikitira ng dating aktor sa kaibigan nito. Aniya, nanghihinayang siya sa itinakbo ng buhay ni Mark Anthony.

Wika ni Lolit sa kanyang post, “Iyon balita na nakikitira si Mark Anthony Fernandez sa bahay ng isang kaibigan Salve ay matagal ng balita. Nuon pa man, talagang parang walang direksiyon ang takbo ng buhay ni Mark Anthony, mabuti kung buhay pa si Rudy Fernandez at nababantayan siya, pero ngayon na wala na ang ama, at mukhang hindi naman sumusunod kay Alma Moreno medyo mas mahirap na ang takbo ng buhay niya.

“Sayang si Mark dahil isa siyang mahusay na artista, sayang dahil isang sumisikat na young star ang anak niyang si Grae Fernandez. Sayang dahil bago namatay si Rudy akala niya mahusay na ang kinalalagyan ni Mark Anthony. Ipinamana dito iyon bahay na tinirhan nuon ni Rudy at Alma, iniwanan ng kahit paano ay konting puhunan kung sakali, pero hayun nga , hindi mo rin alam kung ano na ang kinapuntahan ng lahat. Si Mark Anthony lang ang puwedeng umayos ng buhay niya, at kundi niya aayusin siguradong wala siyang pupuntahan. Magiging madilim ang bukas niya.”

Iyon balita na nakikitira si Mark Anthony Fernandez sa bahay ng isang kaibigan Salve ay matagal ng balita. Nuon pa man, talagang parang walang direksiyon ang takbo ng buhay ni Mark Anthony, mabuti kung buhay pa si Rudy Fernandez at nababantayan siya, pero ngayon na wala na ang ama, at mukhang hindi naman sumusunod kay Alma Moreno medyo mas mahirap na ang takbo ng buhay niya. Sayang si Mark dahil isa siyang mahusay na artista, sayang dahil isang sumisikat na young star ang anak niyang si Grae Fernandez. Sayang dahil bago namatay si Rudy akala niya mahusay na ang kinalalagyan ni Mark Anthony. Ipinamana dito iyon bahay na tinirhan nuon ni Rudy at Alma, iniwanan ng kahit paano ay konting puhunan kung sakali, pero hayun nga , hindi mo rin alam kung ano na ang kinapuntahan ng lahat. Si Mark Anthony lang ang puwedeng umayos ng buhay niya, at kundi niya aayusin siguradong wala siyang pupuntahan. Magiging madilim ang bukas niya. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

IN PHOTOS: Jiro Manio, Mark Anthony Fernandez at iba pang celebs na nabilanggo