GMA Logo Mark Anthony Fernandez
What's Hot

Mark Anthony Fernandez confirms moving out after arguing with second wife

By Cara Emmeline Garcia
Published August 9, 2020 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2026 is a year of passion and determination, says Feng Shui expert
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Anthony Fernandez


Kinumpirma ni Mark Anthony Fernandez kay Lolit Solis na nag-away sila ng kanyang pangalawang asawa.

Umalis raw si action star Mark Anthony Fernandez sa kanyang bahay dahil nag-away sila ng kanyang pangalawang asawa.

Ito ang idinetalye ni showbiz columnist Lolit Solis sa kanyang Instagram matapos tumawag ang aktor sa kanya kamakailan.

Kuwento ng aktor kay Lolit, nag-iba ang pakikitungo sa kanya ng kanyang asawa mula nang “bigyan niya ng pera.”

Dagdag pa ni Lolit sa kanyang post, “At hindi daw totoo na wala siyang pera dahil meron siyang 10 picture contract sa VIVA.

“Sabi ko naman mabuti kung maayos naman ang lagay niya at sana nga ay maayos din ang problema niya dahil he is not getting any younger, matanda na siya at dapat may direksyon na ang buhay niya.”

Bali-balita na nakikitira ngayon si Mark sa kanyang kaibigan sa Dau, Pampanga.

Kaya tanong ni Lolit kay Mark, “Bakit kailangan makitira siya sa bahay ng kaibigan? 'Di ba meron siyang sariling bahay at doon siya tumuloy?

“Pero kung iyon ang mas gusto niya, okey lang pero sana nga hindi na madagdagan pa ang problema iyong kalagayan niya, sana naman.”

Parinig naman ng showbiz columnist sa aktor sa kanyang post, “Huwag siya iyon case ng getting older refusing to grow up. Sana as you get older, the better Mark Fernandez will emerge.”

Naku Salve tumawag si Mark Anthony Fernandez at ipinaliwanag kung bakit nakikitira siya sa bahay ng isang kaibigan. Nag-away pala sila ng pangalawa niyang asawa na nagbago daw ng pakikitungo sa kanya mula ng bigyan niya ng pera. At hindi daw tutoo na wala siyang pera dahil meron siyang 10 pictures contract sa Viva. Sabi ko naman mabuti kung maayos naman ang lagay niya , at sana nga ay maayos din ang problema niya dahil he is not getting any younger, matanda na siya at dapat may direksiyon na ang buhay niya. Saka bakit kailangan makitira siya sa bahay ng kaibigan di ba dapat meron siyang sariling bahay at duon siya tumuloy? Pero kung iyon ang mas gusto niya, ok lang pero sana nga hindi na madagdagan pa ng problema iyon kalagayan niya, sana naman , huwag siya iyon case ng getting older refusing to grow up. Sana as get older, the better Mark Fernandez will emerge. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Idineklara ni Lolit kamakailan ang kanyang panghihinayang sa former matinee idol.

Wika ni Lolit, “Sayang si Mark dahil isa siyang mahusay na artista, sayang dahil isang sumisikat na young star ang anak niyang si Grae Fernandez.

“Sayang dahil bago namatay si Rudy akala niya mahusay na ang kinalalagyan ni Mark Anthony.”

Nabalot sa kontrobersiya si Mark Anthony noong 2016 matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana.

Kumalat rin sa balita na may nabuntis siyang dalawang jail officers ngunit itinanggi niya ito.