What's Hot

EA Guzman shares how he imagines working under the new normal

By Cara Emmeline Garcia
Published August 12, 2020 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman


Ano ang kinalungkot ni EA Guzman sa mga pagbabagong dulot ng COVID-19 sa industriya ng showbiz? Alamin.

Sa tingin ni Kapuso actor EA Guzman malaki ang pagbabago na haharapin niya at ang kapwa niya artista sa ilalim ng “new normal.”

Kuwento niya sa GMANetwork.com, ang pinakaabangan niya pagkatapos ng pandemiyang dulot ng COVID-19 ay ang pagbabalik trabaho at makapiling ang kanyang fans.

Saad niya, “Ang nilu-look forward ko lang ay bumalik sa trabaho kasi I miss my job, I miss working, and I miss acting.

“Para kasing pinapasaya ko 'yung mga tao dahil sa aking mga talento. Alam mo 'yun?

“Kaya as an actor, napakalaki ng pagbabago sa routine natin.

“'Pag sa taping, usually walang limitations. Pero siguro ngayon malilimit na 'yung staff at buong production team...kung sino lang ang kailangan sa set.

“Sa amin naman mga artista, hindi na kami makakapagdala ng personal assistant (PA) sa set kasi lahat ira-rapid test pa at lahat kailangan hindi positive sa virus.”

Limelight.

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman) on

Dagdag pa ni EA, malilimitahan na rin ang pagpili ng location tuwing magtatrabaho dahil prayoridad ng lahat ay ang kalusugan at kaligtasan nila mula sa sakit.

“Hindi na katulad ng dati na may freedom ka kahit saan ka mag-stay, kahit saan 'yung location, kung saan tayo mag-shoot, pwede.

“Ngayon ang pagpipilian mo lang is saan 'yung mga lugar na may mabababang cases ng COVID.

“And before any taping, guesting, or event siguro we have to do a rapid test.

“Dati kasi kahit ano okay, gano'n ka lang ka-chill. Ngayon, tatanungin mo kung sigurado ba 'yung safety protocols and marami na tayong questions before going to work.”

Higit sa lahat ng mga ito, mas ikinalungkot ni EA ang limitadong pakikitungo niya sa kanyang fans.

Wika ng aktor, “Nami-miss ko 'yung mga napapasaya kong mga tao.

“Kasi ako, every time na may mall shows ako, talagang sinisigurado ko na 'yung mga tao nakakalapit sa akin, nakakapagpapicture sa akin, at talagang nagri-reach out ako sa kanila.

“'Yun 'yung purpose ko kung bakit ako naging artista: magpasaya ng tao at hindi lang 'yung sarili ko. Gusto ko mabigyan sila ng joy, every time na pinapanood nila ako.

“Nakakamiss din 'yun kasi hindi na 'yun pwede. Hindi na pwedeng lumapit at magpa-selfie. Sobrang grabe 'yung pagbabago kung tutuusin.”

Nakakabusog ang mga ngiti niyo ❤️Pinahanga niyo ko sa pagiging positibo niyo sa buhay.. Sana napasaya ko kayo.. #Shareyourblessings #BreastCancerpatients 🙏🏼

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman) on