What's Hot

Rufa Mae: "Ayokong mag mukhang tanga."

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 6:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Si Rufa Mae Quinto ay nasa cast Kaya ng Powers. Sa press launch ng nasabing show, hindi maiwasang ungkatin ang love life ng comedienne.
Isa si Rufa Mae Quinto sa cast ng pinakabagong sitcom ng GMA ang Kaya ng Powers. Sa press launch ng nasabing show, hindi maiwasang ungkatin ang love life ng controversial comedienne. Text by Loretta G. Ramirez, Photos courtesy of GMA Network starsIlang linggo lang ang nakakaraan ng magsalita si Rufa Mae Quinto about her mysterious fiance na nakagiliwang tawagin na ng press na si "Mr. M". May naglabasang mga pangalan at mga speculations kung sino nga ba itong lalaking nali-link sa sikat na komedyante. Isa ng nga dito ang kanyang katambal sa show na si Joey Marquez, na tinawanan lang ang intriga. Pero mas matunog ang pangalan ng isang politician, na nauna nang itinanggi ng aktres. Kaya naman nang tinanong ang cast kung anong powers ang gusto nila in line with the show, maraming nagtaas ng kilay ng sinabi ni Rufa Mae na power of love ang gusto niyang makuha. "Hindi, kasi 'yun lang naisip ko and I think that’s the best right? The power of love and eto yung show na ‘to hindi lang comedy, punong-puno rin ng pagmamaghal, pang pamilya eh, with love and laughter," ang pabirong paliwanag ni Rufa Mae sa mga press. Pero muli siyang inintriga ng mga reporters at tinanong tungkol sa napapabalita niyang wedding. "Oo, importante ang wedding pero nakakapagod na eh. Kasi I want to talk about it siguro ng isang bonggang bongga tapos may katabi na’ ko. Hindi na ‘yung mysterious man tapos, pagkatapos noon hindi naman ninyo alam di ba? Ayoko na. Ayokong mag mukhang tanga. Kasi ganoon eh, kahit na gusto mo lang maging masaya, para akong tanga," ang madamdaming sagot ng aktres. starsHalatang nagiging emosyonal na ang komedyante sa issue about her love life, pero itinuloy pa rin niya ang pagsagot. "Walang biro, 'di ba kasi kung sinu-sino na 'yung nasasabi nilang name. Oo, natatawa ako kasi wala akong choice. Pero siyempre 'di ba 'yung totoo parang, 'Okay, sige comedy na rin pati love life ko.'" Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang kanilang kasal ni "Mr. M"? "Eto I’ll be honest na. Nag-usap na rin kami nina Ma’am Wilma [Galvante, GMA's SVP for entertainment], bilang artist nila for so long. I told them, ‘Ibigay niyo 'to sa akin ‘tong dalawang taon.’ Ayan to be honest, na itodo ko yung dapat kong gawin, parang gusto kong itodo sa trabahong ‘to eh. Para malaman ko talaga kung aalis ba talaga ako o dito lang me.At saka when I get married I have to have a baby. I have to make time. I have to stop. Pero I don’t want to stop," ang pagtatapos ng komedyante. Pag-usapan si Rufa Mae Quinto at ang kanyang bagong show, ang Kaya ng Powers sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!