GMA Logo garrett bolden the x factor uk
What's Hot

Garrett Bolden admits regret over 'The X-Factor UK' lost opportunity

By Jansen Ramos
Published August 18, 2020 10:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robbers cart away over P30.7M from mall in Pavia, Iloilo
Hairstylist, nagulantang sa ginawa ng mister ng kanyang customer | GMA Integrated Newsfeed
Good News: Bisitahin ang mga destinasyon na ito sa Tanay, Rizal ngayong Kapaskuhan

Article Inside Page


Showbiz News

garrett bolden the x factor uk


"What if ando'n lang ako kasi 'yun pala dapat," panghihinayang ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden nang hindi nakabalik ng London para ituloy ang pagsali sa 'The X-Factor UK.'

Bago pa man sumali ng The Clash, sinubukan ng ngayo'y Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden ang kanyang kapalaran sa ibang bansa.

Taong 2017 nang siya ay nag-audition para sa British reality television music competition na The X-Factor UK.

Umabot hanggang third round ng screening si Garrett.

Habang naghihintay ng resulta kung pasok ba siya o hindi sa susunod na round, umuwi ng Pilipinas ang X-Factor hopeful.

You cant just sit there and wait for people to give you that Dream you have . Make it Happen for yourself ❤️🙌🏾 #throwback

A post shared by garrett devan bolden jr (@garrettboldenjr) on

Pagbabalik-tanaw ng Kapuso singer, "Technically, I got in.

"Umabot ako sa level na, as in, ang konti na lang namin. As in mga handfuls na lang, parang mga 20 plus na lang.

"'Tapos producers na 'yung nag-screen sa 'min, 'tapos I get to sing three, fours songs which was originally dapat one song lang and then 'yung producer was singing along with me.

"Then afterwards, I had my return ticket so I went home kasi nga ang nasa isip ko, kung pasok ako kokontakin ako then I'll go back."

Nasa Pilipinas na si Garrett nang nalaman niyang pasado siya sa third round ng screening at nakatakda nang makaharap ang panel of judges na pinangungunahan ng English TV personality at record executive na si Simon Cowell.

Sa kasamaang palad, hindi na nakabalik ng London si Garrett dahil kinapos siya ng pambili ng plane ticket.

Kwento niya, "Ang nangyari, they tried to contact my number which is ang binigay ko 'yung Philippine number ko, 'tapos hindi yata nila ma-contact up to the last minute, parang one week na lang para do'n sa judges audition na haharap na kina Simon.

"I had to make a way back there sa London kaso wala akong makuhang funds to buy myself a ticket."

"Ang tagal kong depression 'yon."

Inamin ni Garrett na na-depress siya noong nawala ang kanyang chance na ituloy ang pagsali sa The X-Factor UK.

Hindi niya naiwasang manghinayang sa oportunidad na iyon dahil sa paniniwalang ito ang magbibigay sa kanya ng break.

"Ang tagal kong depression 'yon," malungkot na sabi ni Garrett.

"Parang halos ilang buwan yata na halos ayoko mag-gig. As in, parang ayon na, e, parang nag-iisip ka na what if ando'n lang ako kasi 'yun pala dapat.

"Dapat nag-stay daw ako do'n. I should've stayed for at least two months or three months maximum so they can contact me."

Sa puntong ito, hindi naiwasan ni Garrett na balikan ang kanyang sakripisyo para sa pangarap.

Aniya, "If I would describe how my career went musically, sobrang tagal kong stagnant, I guess.

"Parang I always try different ways how can I penetrate the industry, up to a point na feeling mo mapapasok mo na 'yung industry pero biglang may rejections pala.

"I started 18, 19 years old. Nag-try ako from probinsya, lumuluwas pa ko ng Manila to audition hanggang to the point na kahit may banda ako, nagwo-work kami abroad, nagta-try ako ng auditions sa ibang bansa.

"I went to London mag-isa, nagpunta 'kong US mag-isa para mag-audition.

"Gano'n katindi 'yung kagustuhan kong makapasok sa industriya kasi I feel na it's an industry where I can show my best capabalities as a singer."

Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Garrett, nabigyan siya ng panibagong pag-asa nang mapabilang sa all-original Filipino singing competition na The Clash.

Garrett Bolden

"'Kala ko wala na, then I started to climb up two years ago when I joined The Clash na walang preparatinons, walang thoughts na dapat manalo, dapat ganito, dapat ganyan.

"And then eventually, 'di ako pinalad manalo pero I made it to the grand finals.

"Akala ko tapos na, balik sa square one ulit, parang balik to zero ulit pero GMA kept me so it's my second year, going third year ng pagigng Kapuso.

"Slowly, tumataas 'yung career ko. I get to meet different people, different artists, mga haligi na ng industriya.

"I get to work with them, I get to sing with them, I get to collaborate with them."

Pagtatapos niya, "I think I'm getting there, hopefully, I'm praying for that."

Sa ngayon ay mina-manage ng GMA Artist Center si Garret at may recording deal sa GMA Music.

Kasalukuyan siyang napapanood sa Sunday noontime show na All Out Sundays.

Noong Enero, iginawad ng 11th PMPC Star Awards for Music kay Garrett ang New Male Recording Artist of the Year award.