GMA Logo Movies of Paolo Contis
What's Hot

Paolo Contis, nag-react sa title niyang "Pandemic Superstar"

By Aedrianne Acar
Published August 18, 2020 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Movies of Paolo Contis


Pumatok sa video streaming site na Netflix at trending pa sa social media ang dalawang pelikula ni Paolo Contis kahit nasa gitna tayo ng pandemya, kaya naman binansagan siyang “pandemic superstar.” Ano kaya ang masasabi niya sa title na ito?

Kahit malaki ang naging epekto sa trabaho ng versatile actor na si Paolo Contis ang nangyaring COVID-19 pandemic, may kapalit naman na blessing ito, dahil pumatok ang dalawa niyang pelikula na 'Through Night and Day' at 'Pangarap Kong Holdap' sa video-streaming site na Netflix.

Sa isang video conference kasama ang press noong Lunes ng hapon, August 17, tinanong siya ng entertainment writer na si Eugene Asis tungkol sa kanyang reaksyon sa titulong “pandemic superstar.” May nagbansag kay Paolo nito dahil sa back-to-back success ng 'Through Night and Day' at 'Pangarap Kong Holdap.'

Nagsimula tuloy siyang tuksuhin ng kanyang co-stars sa Bubble Gang na sina Sef Cadayona, Archie Alemania at Valeen Montenegro na kasama rin sa ginanap na online event.

Tanong sa kanya, may nagbago ba sa “mentality” niya bilang aktor?

Agad naman tumugon si Paolo na “wala.”

Paliwanag pa ng seasoned comedian na ramdam niyang nagawa na niya ang misyon bilang entertainer kahit ngayon lang may naka-appreciate ng mga ginawa niyang films.

“Ever since naman 'pag gumawa ka ng trabaho, gusto mo mapanood 'yun ng tao ;di ba?

“Na-late lang 'yung akin. Two years lang na-late.

“Noong lumabas 'yun ng 2018 hindi siya masyado napanood, siyempre may konting lungkot 'yun.

“Pero ngayon na naipalabas, feeling ko lang natupad ko 'yung trabaho ko na mapanood siya ng tao, pero siyempre you will not put that in your head.”

Ayaw din diumano ng aktor na ipasok sa ulo niya na sikat siya at masaya lang siya sa warm reception ng tao sa trabaho niya.

“Once na napapunta 'yan sa ulo mo, e, pabagsak ka na niyan. Pero huwag, ako naman masaya lang akong napansin 'yung work. To begin with, ginawa ko 'yung work na 'yun para mapansin.

“Ayoko naman i-sekreto, hindi naman siya private movie. Happy lang ako na napanood siya, at siyempre may mga nakapansin.

“Kung meron man dumating after niyan, ang goal mo lang diyan ay makapagtrabaho para sa pamilya more than anything else.”

ALSO READ: Paolo Contis brings LJ Reyes to tears while watching 'Through Night and Day'