GMA Logo jayson lee on kmjs
What's Hot

KMJS: Jayson Lee, P-Pop idol na!

By Dianara Alegre
Published August 18, 2020 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

jayson lee on kmjs


Dalawang taon nag-training si Jayson Lee bago tuluyang ipinakilala sa publiko ng First One Entertainment bilang miyembro ng P-pop group na 1ST.ONE.

Taong 2017 nang itampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang kwento ng Fil-Korean na si Jayson Lee at ng kanyang ina na si Felicidad Reyes na mula Dingalan, Aurora.

Noon ay hinahanap ni Felicidad ang dalawa niyang anak na sina Lee Seung Hee at Lee Jin Hee, na naiwan niya sa Korea nang maghiwalay sila ng dati niyang asawang Korean.

Dahil sa tulong ng programa ay muling nakita nina Felicidad at Jayson si Seung Hee makalipas ang maraming taon.

Ngunit hindi lang pagkatao ni Jayson ang nabigyan ng linaw mula nang matampok sila sa KMJS.

Naging daan pa ito upang magbukas ang napakalaking oportunidad para sa kanyang career.

Makalipas ang tatlong taon mula nang ipalabas ang naturang episode, isa nang certified 'oppa' na si Jayson at kabilang sa Pinoy pop idol group na 1ST.ONE.

Source: jaysonlee18

Ang iba pang miyembro ng 1ST.ONE ay sina Val Jon Librea o ACE, Carlo Edwin Fernandez II o Max, Jonas Cyrone Cruz o Alpha, Jesper Kyle San Agustin o J, Philip Russel Balicad o Joker, at Gifterson Falabrica o Gift.

Source: jaysonlee08

Ayon kay Aaron Cha, president ng First One Entertainment, napanood umano ng casting director ng entertainment agency ang KMJS episode ni Jayson.

Hindi raw umano agad nakapaniwala si Jayson nang tawagan siya ng kumpanya para kuning talent nito.

“Sobrang nagulat po. Tinry ko po i-research 'yung company. Legit naman po sila. So [sabi ko], 'Try ko kaya 'to,'” ani Jayson.

Pagka-graduate ni Jayson sa senior high school noong 2018, lumuwas siya sa Maynila para mag-training.

“Mahirap po 'yung training pero dahil po du'n na-inspire din po talaga ako na mas tahakin pa itong journey na ito.

"Kasi, sabi nga po nila, walang madaling daan sa successful na buhay,” dagdag pa ni Jayson.

what a memorable day today! ❤️ thank youuuu so much po sa lahat ng support and appreciation niyo sa story ko and sa group po namin na @1st.oneofficial 😊 and also thank youu po sa kmjs team for featuring us! never forget 💕 #KMJS15 #JaysonLeeOnKMJS

A post shared by Jayson Lee (@jaysonlee18) on

Dalawang taong nag-training sa pagsayaw, pagkanta, pagsasalita sa harap ng maraming tao, at pati na ng pag-aayos sa kanyang sarili si Jayson bago tuluyang maipakilala sa publiko bilang isang P-Pop idol.

Tunghayan ang kwento ng pagpasok ni Jayson Lee sa music scene bilang miyembro ng Pinoy pop group na 1ST.ONE sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: