
Puno ng kulitan, kuwentuhan at nakakatawang bukingan ang napanood sa live birthday streaming ni Carmina Villarroel.
Isa sa mga bumati sa Kapuso star ay ang matagal na niyang kaibigan na si Piolo Pascual at ito ay ikinagulat ni Carmina.
"Serious ba 'to? Ang guwapo nga nito, pantasya nga ng bayan! Uy sobrang natouch ako, talaga, thank you," ani Carmina.
Ayon kay Carmina, close na close sila ni Piolo.
Sa sobra nilang close sa isa't isa ay ibinuking niya na muntik na silang magkatuluyan ni Piolo noon.
Saad ni Carmina, "Close tayo! Super close tayo! Sa sobrang close nga muntikan na ngang maging kami."
Kuwento ni Piolo, hindi man sila nagkatuluyan ay nagkatuluyan naman ang dalawang importanteng sa buhay nila.
Nabilaukan naman si Carmina nang humirit si Piolo na, "Pero dapat tayo, 'di ba? Umamin ka!"
Natatawang tanong ni Carmina, "Ano aaminin ko?"
Dugtong pa ni Carmina, "Ito kasi ,e. Kulang na lang ako lumigaw diyan, e."
Samantala, ibinahagi ni Piolo kung sino ang dalawang importanteng tao sa kanilang buhay na nagkatuluyan.
"My sister-in-law who gave my brother two beautiful kids who are no 18, 19, and they're all grown up.
"We had a double date, it was their first time to meet, 'di ba? Kuya and si Tessie. Tessie, my kuya's wife, is Mina's bestfriend."
Pagpapatuloy ni Piolo, "So, we had a group date of some sort, Okay na ba 'yun, Mins?"
Sagot ni Mina, "Friendly date lang naman. Nahihiya ako na ikinukuwento natin ito."
Kuwento pa ni Piolo, "They ended up as a couple. They ended up together.
"So 'yun, I think tayo 'yung naging tulay.
"If not for us, they wouldn't be able to meet each other and be husband and wife."
Panoorin ang kanilang nakatatawang kuwentuhan sa birthday video ni Carmina.
IN PHOTOS: Carmina Villarroel's birthday in 'Sarap, 'Di Ba?
Cassy and Mavy Legaspi surprise mom Carmina Villarroel on her birthday