GMA Logo Chin Chin Gutierrez
What's Hot

Chin Chin Gutierrez, isa nang ganap na Carmelite nun

By Rowena Alcaraz
Published August 21, 2020 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daughters of King Charles’ brother Andrew join royals for Christmas service
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Chin Chin Gutierrez


Ibinalita ng talent manager na si Lolit Solis na ganap nang madre ang dating aktres na si Chin Chin Gutierrez.

Ang dating aktres noong dekada '90 na si Chin Chin Gutierrez ay isa nang ganap na madre sa ilalim ng Carmelite order, 'yan ang ibinahagi ni Lolit Solis sa kanyang followers sa Instagram kamakailan.

Aniya, "Ang gandang balita na ngayon ay isa ng full-pledged Carmellite nun si ChinChin Gutierrez.

"Magandang balita dahil mula sa glittering world ng showbiz heto si Chinchin Gutierrez isang mahusay na actress pero mas pinili ang spiritual growth."

Nabalita na noon ang naging desisyon ni Chin Chin na talikuran ang pag-aartista at pumasok sa kumbento upang maging lingkod ng Diyos.

Bukod sa pagkakaroon ng isa sa may pinaka magandang mukha sa showbiz, kinilala ang husay ni Chin Chin sa larangan ng pag-arte. Patunay dito ang mga awards na kanyang natanggap sa haba ng kanyang karera. Ilan sa mga ito ay mula sa Gawad Urian, First Asian Television Award, at Asian Television Award.

Nakilala din siya bilang isang environmental activist na naging daan upang maging cover siya ng Time Magazine noong 2003. Ginawaran din siya ng pagkilala ng The Outstanding Women in Nation's Service.

Sa huli, panalangin ang hiling ni Lolit mula sa dating aktres.

"Pray for us Sister Chinchin, iyan ang kailangan natin ngayon , ang dasal ng mga tulad mo. Pray for us."

Ang gandang balita na ngayon ay isa ng full pledged Carmellite nun si ChinChin Gutierrez. Magandang balita dahil mula sa glittering world ng showbiz heto si Chinchin Gutierrez isang mahusay na actress pero mas pinili ang spiritual growth. Nuon pa balita na pumasok si Chinchin sa kumbento, isang malaking hakbang papunta sa sisterhood at heto ngayon, isa ng madre ng Carmellite mission. Isang mahusay na artista na mas pinili ang maging madre upang masilbihan ang spiritual needs ng tao. Pray for us Sister Chinchin, iyan ang kailangan natin ngayon , ang dasal ng mga tulad mo. Pray for us.#clasiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on