
Aminado ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix na mas lalo siyang ginaganahan mag-post sa kanyang social media accounts niya dahil isa na siyang ambassador ng clothing giant na H&M.
Sa pakikipag-usap ni Miguel sa GMANetwork.com, naikuwento niyang masaya siya sa collaboration nila ng kumpanya.
Saad niya, “Sobrang nagulat ako kasi, what you've said nga, that's H&M.”
“Sobrang laking milestone siya sa akin, na naging ambassador ako ng H&M.
"Feeling ko, ginaganahan ako mag-post sa social media ko, sa mga TikTok ko.
“So, very big blessing talaga sa akin 'yung endorsement. I'm really thankful sa H&M and sa lahat ng tao and siyempre, kay Lord.”
Dagdag ni Miguel, nakapagbibigay siya ng opinion tungkol sa kanyang mga TikTok video, kung saan ipino-promote niya ang brand.
Dahil sa umiiral na community quarantine sa bansa, social media-heavy ang promotions ng H&M ni Miguel.
“Bagong experience siya sa akin kasi mayroon akong freedom na gumawa ng kung anong gusto ko,” pag-amin ni Miguel.
“I have suggestions na tinatanggap naman nila--'yung music na gusto ko, kung anong style ng TikTok 'yung gusto ko.
“Big thing sa akin 'yung creativity kasi 'pag magpo-post ka sa social media, kailangan creative ka talaga, right?
“So, ang sarap lang sa feeling na mayroon akong freedom na kung ano 'yung gusto kong gawin, ibibigay nila.
“Pero hindi lang, siyempre, kung ano lang 'yung gustong gawin, compromise, 'yun.”
LOOK: Miguel Tanfelix oozes street style swag in his campaign for an international apparel brand
Miguel Tanfelix, ecstatic over new clothing brand endorsement