
Ngayong pandemya, mahigpit na ipinagbabawal ang social gathering pero nitong nakaraang linggo, binulahaw umano ang bayan ng San Isidro, Bohol ng mga misteryosong tunog.
Ayon sa mga resident ng lugar, hindi mga tao kundi mga “engkanto” umano ang nagpapatunog ng mga mala-“disco” na tunog.
Tinutukan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang naturang kwento at nangalap ng impormasyon tungkol sa mga residente ng lugar.
Ayon kay Sam Quiwag, tubong San Isidro, narinig niya raw mismo ang mala-tambol na tunog. “Ako po mismo talaga nakarinig ng tunog na 'yon dalawang gabi na.”
Saad naman ni PSSG Marlon Jusayan Hinay ng PNP San Isidro, malakas daw talaga ng tunog at hindi imposibleng marinig ng marami.
“Malakas. Maririnig ng halos apat o limang barangay. Wala namang disco dito. Wala namang beer house,” aniya.
Ang itinuturong pinagmulan ng kakaibang tunog ay ang Barangay Caimbang partikular na sa Kilab-Kilab falls na matatagpuan sa masukal na kagubatan ng lugar.
Ang hinala ng ilan, nagsimula ang mga naririnig na pagtatambol ilang araw makaraang may babaeng malunod at bawian ng buhay sa naturang falls.
Kilab-Kilab falls / Source: tenaj1920 (IG)
May kaugnayan kaya ito sa ilang gabi nang umano'y naririnig na pagtatambol ng mga “engkanto” sa bayan ng San Isidro, Bohol?
Alamin ang buong detalye sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:
KMJS: Anting-anting, mabisang pangontra rin sa COVID-19?
KMJS: Sagradong bato, sikreto ng mga sentenaryo ng tribo Blaan?