What's Hot

'In Your Eyes', a love story caught in a 'Storm'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 27, 2020 4:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, sugatan nang pagsasaksakin ng lalaking Sudanese sa UK
Over 346,000 people affected by Mindanao earthquake — NDRRMC
More restaurants, cafes to open at NAIA Terminal 3 soon

Article Inside Page


Showbiz News



'In Your Eyes' brings to us a story of love and sisterhood and heart-wrenching twists na siguradong magpapaiyak sa mga manonood.
Ano ang mas matimbang, pagibig o kapatid? 'In Your Eyes' brings to us a story of love and sisterhood and heart-wrenching twists na siguradong magpapaiyak sa mga manonood. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio starsIsang star-studded premier night ang nangyari noong Sunday sa Cinema 9 ng SM Megamall ng magdatingan ang mga artista para suportahan ang ‘In Your Eyes’. Hindi man nakadalo si Richard Gutierrez, nandoon ang kanyang Royal Era family na pinangungunahan siyempre ng kanyang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez para pasalamatan ang lahat ng dumalo. “Sana po magustuhan ninyo ang pelikula. First time ko mapanood ang anak ko na grabeng humalik sa pelikula. Panoorin ninyo, sana magustuhan ninyo. Marami-maraming salamat sa inyong suporta,” ang pahayag ng Gutierrez matriarch bago pa man magsimula ang pelikula. Hindi naman halos tumigil ang sigawan at tilian ng dumating ang dalawang leading ladies ni Richard sa movie, si Claudine Barretto at Anne Curtis. “In behalf of Ate Clau, wala na po kasi siyang boses, gusto po naming magapasalamat sa inyo sa pagpunta ninyo dito. We are dedicating this to you guys. Sana po magustuhan ninyo, Nakaka-in love siya, nakakaiyak siya, sana lang po magustuhan ninyo,” ang sinabi ng Anne sa mga fans. Halatang tuwang-tuwa ang cast sa turn-out ng mga manonood sa premier night na sinuportahan hindi lang ng kanilang mga fans kung hindi pati ng mga film executives ng GMA Films at Viva Films. Synopsis In this movie, Claudine and Anne play sisters who are caught in an unexpected love triangle with Storm, played by Richard Gutierrez. Si Ciara (Claudine Barretto) ay isang senior physical therapist sa isang rehabilitation center sa US. She has devoted her entire life to her younger sister Julia (Anne Curtis) simula ng mamatay ang kanilang mga magulang. Finally, after 8 years of separation, Ciara and Julia reunite when the latter acquires her student visa. Storm (Richard Gutierrez), Julia's boyfriend, isang freelance photographer, joins Julia despite the lack of a definite plan. In a desperate move for Storm to gain immigrant status, pinakiusapan ni Julia sila Storm at Ciara na magpakasal. As Storm struggles to find his place in a foreign land, naging abala naman si Julia sa kanyang pagaaral at trabaho, causing the two of them to drift apart. At dahil sa palaging magkasama si Ciara at Storm, hindi maiwasang mahulog ang kanilang loob sa isa’t isa. Nang malaman ni Julia ang katotohanan nagulo ang kanilang mundo. Handang namang magparaya si Ciara para sa kanyang nakababatang kapatid, pero paano na ang nararamdaman ni Storm? Maibalik kaya ni Ciara ang nasira nilang relasyon ni Julia? Ano kaya ang gagawin ni Storm? Abangan ang love story ng taon. In Your Eyes will be seen in theaters nationwide beginning August 18, 2010. Pag-usapan ang In Your Eyes sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get updates about the movies mula kay Richard through his Fanatxt service! Just text RICHARD (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) RICHARD (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.