Showbiz News

KC Concepcion, inaming naging sensitive siya sa name-calling noon

By Cara Emmeline Garcia

Alam ng lahat na palaban si KC Concepcion sa bashers na palaging pumupuna sa kanyang pangangatawan sa social media.

Pero inamin ni KC na hindi naging madali sa kanya ang sagutin ang mga ito noong bata pa lamang siya at nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Ani KC sa web show ni Mela Habijan na '3some,' “ I'm really sensitive to name-calling and I used to really grumble when somebody would name-call me. But these days, [not anymore]!

“I mean, kasama mo ba ako nung may pandemya, nung nag-ECQ tayo at nagkaka-anxiety attack ako? Wala ka doon! Nandun ka ba nung na-dengue ako sa ospital at gumaling na ako? Wala ka naman doon. Nung na-heartbroken ako, kasama ba kita noon? Wala ka noon.

“So, you don't have the right to make me feel less than who I work hard to be.”

Kuwento ng aktres malaki na ang pinagbago niya sa mga nakakilala sa kanya noong bata pa siya.

“The KC you knew is still the KC I am today. I mean, the playfulness is still there… But, I'm a lot more secure and confident about who I am.

“You realize that nobody's perfect and you just have to be the best version of yourself. You hear that all the time but it really is true.

“As long as you work hard and care for the people around you, you just have to really fight for who you are and not allow somebody to dictate who you are in a negative way.”

Naitanong din ni Mela si KC kung perpekto ba talaga ang buhay ng aktres tulad nang nakikita ng karamihan sa social media.

Bitiw ni KC, “I think all of us, my family and I, we're not perfect.

“Hindi naman perfect 'yung pinagdadaanan namin. Hindi nga lang kami reality show na parang lahat kailangan pag-usapan.

“But nobody is perfect and it's so important to be yourself. It's nice to have real and raw moments [in life]. At the same time, makikita mo kung gaano ka nag-grow at makikita mo 'yung mga pagkakamali mo. Marami akong ganun.

“Love life pa nga lang, nakita na ng lahat and thank God we're all still good friends.

“But in my career, in my love life, and family life, hindi lang talaga ako 'yung type na magse-share ng dirty secrets ng lahat-lahat. So sometimes, quiet lang ako kasi I'm very sensitive.

“'Pag sobrang sakit na, natatameme na lang ako. I can't speak and I feel speechless sa sobrang hurt na napi-feel ko. Hindi ko ma-express 'yung nasa mind ko, so 'pag tumatahimik ako alam ko na malalim talaga at tagos sa puso.

“So, nobody sees that side but I think that the people who followed me and are with me, they can tell even if I don't say anything, they know.”

Panoorin ang buong interview: