GMA Logo TGIS title card
What's Hot

Full episodes ng '90s youth-oriented show na 'T.G.I.S.,' mapapanood na online!

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 1, 2020 12:29 PM PHT
Updated September 1, 2020 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

TGIS title card


Nami-miss niyo ba sina Wacks, Peachy, JM, Mickey at ang buong cast ng 'T.G.I.S.'?

Mababalikan n'yo na ang award-winning hit '90s youth-oriented show ng GMA Network na T.G.I.S.!

Umere noong 1995 hanggang 1999, pinagbidahan ang serye nina Bobby Andrews bilang Wacks, Angelu de Leon bilang Peachy, Onemig Bondoc bilang JM, Michael Flores bilang Mickey, Raven Villanueva bilang Cris, at Red Sternberg bilang Kiko.

Dahil sa tagumpay ng show, nagkaroon pa ito ng movie na 'TGIS The Movie,' na ipinalabas noong January 1997.

TGIS The Movie

From TV to big screen ang TGIS Barkada na sina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Onemig Bondoc, Michael Flores, Raven Villanueva, Red Sternberg, sa 1997 movie na 'TGIS: The Movie.' / Source: iflix.com

Kamakailan ay nagkaroon ng virtual reunion ang mga bida ng T.G.I.S. kasama ang direktor na si Mark Reyes para ipagdiwang ang kanilang ika-25 anibersaryo.

TGIS 25th Anniversary Reunion

Dahil hindi sila pwedeng magkita-kita dahil sa community quarantine, virtual reunion muna ang nangyari sa lead stars ng 'TGIS.' / Source: direkmark (IG)

Pumunta lang sa YouTube channel ng GMA Network para mapanood ang full episodes ng TGIS at iba pang Kapuso shows!