What's Hot

Jennica Garcia, isang proud Jejemon

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 23, 2020 9:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA thinking anti-tanking, considers setting lottery order March 1 — report
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Isinasapuso na ni Jennica ang kanyang role ngayon sa ‘Jejemom’, at masaya siyang gampanan ito. Kamusta naman kaya ang kanyang pagiging Jejemon?
Isinasapuso na ni Jennica ang kanyang role ngayon sa ‘Jejemom’, at masaya siyang gampanan ito. Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. stars>Jejemom. Dito ay gumaganap siya bilang si Lovely, ang kapatid ng Jejemom na si Eugene Domingo. “Lahat kami dito Jejemon. At saka nakakatuwa, as in nakakatuwa, kasi alam mo 'yung mga Jejemon, in fairness sa kanila, bilib ako sa confidence nila kasi proud sila, alam mo yun?” kuwento ni Jennica. “Hindi sila nahihiya na ipakita ang tunay na sarili nila. Ganun din kami dito.” Hindi naman kaya siya nahirapan na magsalita ng Jejemon sa kanyang role na ito? “Hindi naman. Madali naman at saka masaya. Yes. Jejeje,” kanyang pagsa-sample. “At saka usually kasi, ang pagiging Jejemon namin, ginagamit lang namin siya through texting.” Nagagamit naman niya sa tunay na buhay ang pagtetext at pagbabaybay ng Jejemon style, at proud siyang maging isang Jejemon. “Actually yung Twitter page ko, simula nung nasama ako dito sa Jejemom, andami kong mga tweets na jejemon yung pag-type nila,” she shares. “Tapos ‘pag ganun yung pagkakausap nila sa’kin, ganun ko rin sila sinasagot.” Samantala, gustong-gusto naman ni Jennica ang kanyang role ngayon, at ayon sa kanya, isinasapuso na niya ang pagiging Jejemon sa set. “Oo, isinasapuso na. at saka ako, mas gusto ko 'yung ganun, 'yung role na kunyari, yung role mo, jologs,” pag-amin niya. “’Pag medyo hindi high-class kasi, yung mga damit madadali. E kasi kapag bonggang mayaman ka, ang hirap e. Todo heels, tapos kailangan poised na poised, effort! Pag 'yung mga simpleng ganyan, yakang-yaka natin ‘yan.” Sunod-sunod naman ang kanyang mga naging projects recently, at tila wala nang naging pahinga ang dalaga. Hindi ba siya napapagod sa lahat ng kanyang mga ginawa so far? “Ang lagi ko ngang prayer, ‘pag pagod na pagod na ako, ‘Lord, pagod na pagod na po ako, Kayo na po ang bahala sa akin. Pero ‘di po ako nagrereklamo!” sagot niya. “Siyempre blessing yan e, so go lang ng go, lalo na ngayon habang bata pa ako, go lang.” Dagdag pa niya, magaan naman ang kanyang ginagawa ngayon sa Jejemom. “Oo, masaya lang, happy lang,” she says. Pag-usapan si Jennica sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Jennica. Just text JENNICA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) JENNICA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.