
Ibinahagi ni Ken Chan ang ibayong pag-iingat na sinusunod ng cast sa set ng upcoming film nila ni Rita Daniela na may working title na My First and Forever.
Ayon sa All-Out Sundays host, todo ingat sila ni ng onscreen partner niya at ng iba pang cast and crew. Nagpa-swab test na rin upang makasiguro sa kanilang kaligtasan.
"Maraming proseso ang pinagdaanan para sa pelikula naming 'My First and Forever.'
"Dumaan sa swab test ang lahat ng aming cast & crew. Sa bawat shooting days naman may mga nakabantay na DOH at IATF para sa kaligtasan ng lahat."
Pahayag ni Ken, masaya siya na nakakagawa pa siya ng pelikula kahit na nasa kalagitnaan ng pandemya ang bansa. Sa mga larawan na ipinakita ni Ken ay makikita ang ilang behind-the-scenes nila sa Pagsanjan, Laguna kasama ang direktor na si Louie Ignacio. Kabilang rin sa cast sina Lotlot de Leon at Richard Yap.
"Sobrang blessed kami dahil sa Heaven's Best Entertainment @hbeproduction Sa kalagitnaan ng pandemya ay nakagawa kami ng isang kalidad na pelikula."
My First and Forever / Source: hbeproduction (IG)