What's Hot

Richard Gutierrez, aminadong nahirapan sa ‘Survivor Philippines’

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 30, 2020 3:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pagsisimula ng 'Survivor Philippines Celebrity Showdown', kasama sa pinaka aabangan ng marami si Richard Gutierrez - ang pinaka bagong host ng show.
Sa pagsisimula ng Survivor Philippines Celebrity Showdown, kasama sa pinaka aabangan ng marami si Richard Gutierrez—ang pinaka bagong host ng show. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio starsSa press launch ng Survivor Philippines noong August 23, 2010, inabangan ng marami ang paglabas ni Richard Gutierrez sa stage para magsalita about his newest show. Halatang namayat si Richard katulad ng mga Survivor castaways, pero nakangiti siyang humarap sa entertainment press upang sagutin ang mga katanungan nila. Maraming interesado kung ano ba ang dapat abangang ng mga viewers sa season three ng Survivor Philippines, kaya game na game naman nagkwento ang bago nitong host. “Marami kaming malalaking twist na hindi pa nagagawa sa Survivor Philippines na ngayon n'yo lang makikita dito at mga challenges na malalaki na ngayon lang din makikita,” ang patikim na sagot ni Richard sa press. Idinagdag pa niya na may mga nabuong mga love teams sa isla. “May nabuong mahalan, maraming nabuong mahalan, maraming away. Pero at the end of it all pagkatapos nung laro lahat sila magkakaibigan. Lahat nga sila talagang tumibay daw talaga ang loob nila.” Pero kung siya ang tatanungin ano ba ang naging karanasan niya sa Thailand at ano ang pinakamahirap na challenge para sa kanya? “You know everything that I had to go through in the island. A lot of these celebrities are [my friends]. I’ve work with some of them. Yung detaching myself from them, emotionally that was tough!” “I can’t lose my concentration. I had to stay focus when I was there. Kasi ‘yung mga celebrity castaways ako lang yung access nila eh. Hindi sila puwede makipag-usap kahit kanino. Ako lang ang puwede nilang kausapin pag meron silang concern about anything, safety issues, pag may kailangan sila, ako lang ang pwede nilang kausapin and you know it was hard nga na I had to be someone heartless for a while to them. But that’s part of the game and I’m the host of the game. So, yun,” ang paliwanag ng bagong host ng Survivor Philippines. Handa na ba siyang mai-compare kay Paolo Bediones na naging host ng seasons one and two ng sikat na reality series? “Ok lang sa akin ‘yun. I mean it is going to be a normal thing. People will compare us for sure. Just like what I said before, I shied a way from Paolo's style o kung ano man ‘yung dating ni Paolo. I have respect for him though,” ang paglilinaw ni Richard. “But you know, ayokong gayahin yung style n'ya. So, it’s either you’re gonna love my style or you’re gonna hate my style but that’s the way things are.” Tiyak na exciting at kaabang-abang ang season three ng Survivor Philippines. Kaya naman huwag palampasin ang pilot episode nito mamaya pagkatapos ng 24 Oras. Pag-usapan si Richard at ang bagong season ng Survivor Philippines sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get the latest updates on Richard. Just text RICHARD (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) RICHARD(space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.