GMA Logo Wish Ko Lang
What's Hot

Trailer ng Winner September ng 'Wish Ko Lang,' hinangaan ng netizens

Published September 4, 2020 12:25 PM PHT
Updated September 4, 2020 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Major EU states condemn Trump tariff threats, consider retaliation
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


Ilang oras matapos i-upload ang trailer ng Winner September ng Wish Ko Lang, umani agad ito ng mahigit 100,000 views sa Facebook.

Ilang oras matapos i-upload ang trailer ng Winner September ng Wish Ko Lang, umani agad ito ng mahigit 100,000 views sa Facebook.

Ang host ng programa na si Vicky Morales, excited daw sa parating na episodes ng Wish Ko Lang. "Ngayon palang, na-e-excite na ako sa line-up ng episodes ng Wish. Winner ang mga cast!"

Sa Facebook, maraming papuri ang natatanggap ng programa sa pagkakagawa ng trailer, na sinasabing hudyat ng paparating na mas pinalaking episodes ng Wish Ko Lang.

Wish Ko Lang Comments

Wish Ko Lang Comments

Wish Ko Lang Comments

Wish Ko Lang Comments

Wish Ko Lang Comments

Wish Ko Lang Comments

Ayon sa Program Manager nitong si John Mychal Feraren, "Yes. Talagang pinaghandaan namin. Sinigurado naming may mapapanood na exciting at bago ang viewers natin. Malalaki ang mga eksena, while syempre, observing proper safety protocols."

Ang bida sa unang episode ng Winner September na si Glydel Mercado, proud daw na napasama siya sa cast ng special episodes ng Wish Ko Lang.

"I am honored and privileged that they chose me to be a part of this episode." Kabilang si Glydel sa "Nalunod" na tungkol sa isang pamilyang inanod ng baha kaya nasira ang bahay na tinitirhan. Makakasama niya rito ang award-winning actors na sina Allen Dizon at Teri Malvar.

Sa mga susunod na episode, makakasama rin sina Rochelle Pangilinan, Jason Abalos, Irma Adlawan, Shayne Sava, Lexi Gonzales, Arra San Agustin, Thea Tolentino, Juancho Trivino, Herlene 'Hipon Girl' Budol, Vaness del Moral, Adrian Alandy, at Jean Garcia.

Ang mga ito ay sa panulat ni Evie Macapugay, punong-panulat ni Erwin Caezar Bravo, at sa direksyon nina Rommel Penesa at Rember Gelera.

Mapapanood na ngayong Sabado, 4pm, ang unang episode ng Winner September ng Wish Ko Lang.