
Mas na-appreciate daw ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden ang suporta ng kanyang fans ngayong may pandemya.
Ayon sa Zoom interview ng GMANetwork.com kay Garett noong Miyerkules, September 2, sila ang dahilan kung bakit niya nasungkit ang kanyang pangalawang singing award ngayong 2020.
Itinanghal siyang Favorite New Male Artist sa kategoryang People's Choice ng kakatapos lang na 33rd Awit Awards. Base sa guidelines, ang nominee na makakatanggap ng pinakamaraming text votes ay siyang magwawagi.
Pahayag ni Garrett, "Sobrang thankful po kasi parang I did not expect to receive any award at this moment and nakita ko po kung ga'no kasigasig 'yung mga fans ko and nakakatuwang isipin na parang kahit na at this pandemic, e, and'yan pa rin talaga sila and they are really supporting you.
"Gusto ko magpasalamat kasi talagang nagtiyaga sila na suportahan, kumbaga, ako and my career pati na rin sa mga tao na malapit sa 'kin, sa family ko, and sa friends na malalapit.
"Talagang they pushed me to fight for my career, for my dreams, for whatever I want to achieve.
"So sobrang laking pasasalamat ko sa kanila."
In return, gagawin daw ni Garrett ang lahat para mahandugan ng "best songs, best performances, best music" ang kanyang mga tagahanga.
Grateful din si Garrett sa Awit Awards sa pagkilala sa kanyang talento.
Ika niya, "Sa totoo lang, it's a new expeirece na attending kahit na second time kasi it's my first Awit Awards nomination as a singer, as an artist."
Ginanap ang 33rd Awit Awards noong Sabado, August 29, via Facebook livestream.
Ang kapwa The Clash Season 1 graduate ni Garrett na si Kyryll Ugdiman ay nagwagi rin sa nasabing music awards.
Naiuwi ni Kyryll ang titulong Best Performance by a New Female Recording Artist para sa first single niyang "Silent Rumblings."