GMA Logo Allen Dizon
What's Hot

Allen Dizon, sumabak sa mahihirap na eksena sa 'Wish Ko Lang'

Published September 4, 2020 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Dizon


Puring-puri ng direktor at ng mga kasamahang niyang artista si Allen Dizon dahil sa mahusay na pagganap niya sa episode na ito ng 'Wish Ko Lang.'

Beterano na sa larangan ng pag-arte si Allen Dizon, pero nanibago pa rin daw siya sa new normal taping ng Wish Ko Lang lalo na habang ginagawa nila ang mahihirap na eksena sa Winner September specials ng programa.

"Syempre, need na mag-work pero dapat may pag-iingat. Nakakapanibago, pero kailangang masanay."

May underwater scenes si Allen sa episode ng Wish Ko Lang na mapapanood sa Sabado. Gumanap kasi siya bilang si Efren, isang mapagmahal na asawa't ama na nilusong ang rumaragasang tubig baha para mailigtas ang pamilya.

Sa kabila nito, sinigurado ng buong produksyon na komportable ang lahat lalo na at may sinusunod na safety protocols.

Ayon sa direktor ng programa na si Rommel Penesa, "Maraming restriction kaya double job ang bawat isang crew or production staff. Kailangan laging ma-remind ang lahat na may pandemya, kaya dapat iniisip din ang safety ng lahat sa bawat gagawing eksena."

Pero kahit maraming limitasyon, dapat pa ring abangan ng mga manonood ang mas pinalaki pang mga eksena sa Winner September ng Wish Ko Lang.

Dagdag pa ni Direk Rommel, "Magugulat sila kasi kahit pandemya, talagang nilakihan namin ang mga eksena. Pinaghandaan talaga namin para matuwa ang viewers natin."

Puring-puri rin ng direktor ang mga kasamang artista sa episode na ito ng Wish Ko Lang. "Si Allen Dizon, talagang mahusay 'yan. Nagsama pa sila ni Glydel at Teri Malvar, kaya siguradong magmamarka ang episode na ito."

Magsisimula ang Winner September ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 5, 4 PM.