GMA Logo Richelle Amorcilla at Joebert Lacea
What's Hot

KMJS: Viral na pagkikita nina Richelle at Joebert, mala-Koreanovela

By Dianara Alegre
Published September 7, 2020 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Richelle Amorcilla at Joebert Lacea


Mala-Koreanovela ang unang pagkikita ng magkasintahang Richelle Amorcilla at Joebert Lacea kaya naman nag-viral ang kanilang istorya.

Mala-Koreanovela ang mga naging tagpo nang habulin ng 22-anyos na si Richelle Amorcilla ang kanyang boyfriend na miyembro ng PNP Special Action Forces (SAF) na si Pat. Joebert Lacea bago ito umalis at madestino sa malayong probinsya.

Nag-viral sa social media ang video ng kanyang nakakakaba at nakakakilig na paghabol bago tuluyang makaalis si Jobert.

Saktong dadaan daw kasi ang grupo ng binata sa bayan sa Zamboanga kung saan naninirahan si Richelle. Dahil dito, nagmamadali niyang sinadya ang checkpoint na hinintuan ni grupo.

Tatlong buwan umanong madedestino si Jobert sa malayong probinsiya kaya ito lamang ang pagkakataon na magkita sila sa wakas. Sa loob daw kasi ng dalawang buwan nilang relasyon ay hindi pa sila nagkita ng personal.

“Ang tagal-tagal nila mag-stay du'n. Baka pagsisisihan ko lang sa sarili ko 'pag pinakawalan ko pa,” lahad niya.

Labis ang pagmamadali ni Richelle at ng kanyang mga kaibigan dahil 10 minuto na lamang ay aalis na sina Jobert.

Richelle Amorcilla at Jobert

Umabot kaya si Richelle? Natuloy kaya ang pagkikita ng dalawa?

Tunghayan ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho: