What's Hot

John Vic De Guzman, interesado bang maglaro abroad?

By Aedrianne Acar
Published September 8, 2020 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

john vic de guzman volleyball


Aminado ang volleyball heartthrob na si John Vic De Guzman sa panayam niya sa Kapuso Showbiz News na hindi madali ang desisyon na mag-compete abroad.

Hindi matatawaran ang galing ng Philippine men's volleyball team captain na si John Vic De Guzman pagdating sa court.

Kung matatandaan ninyo inuwi ni John Vic ang NCAA Season 92 Most Valuable Player plum award noong naglalaro siya sa College of Saint Benilde.

Marami tuloy ang curious, kung naiisip din ba ng volleyball heartthrob na mag-compete abroad tulad nina Alyssa Valdez, Marck Espejo at Bryan Bagunas.

Sa exclusive interview ni John Vic De Guzman sa GMA Network.com, sinabi nito na hindi magiging madali ang desisyon kung magco-compete siya abroad.

Saad niya, “Noong nag-training kami sa Japan, may kumausap sa akin na isang agent from Hokkaido I think, ang hirap kasi, so talagang kailangan i-balance mo kung ano 'yung priority mo.

“Siyempre, naglalaro ako for the national team, naglalaro pa ako sa club team.

"And then on the side, nagho-hosting and acting. So, talagang hindi madali mag-decide pag nabigyan ka ng chance.”

Pero hindi sinasara ni John Vic ang sarili sa ganitong klaseng opportunity at naka-depende daw ito sa GMA Artist Center at Virtual Playground kung papayagan siya kung sakali.

Tugon ni John Vic, “Kailangan talaga pag-isipan mo nang mabuti kung ano magiging result in the future and siyempre, magiging depende sa GMA and sa talent agency ko VP.

“Kung mabigyan ng chance let's see kung ano puwede mangyari.”

Sa pagpapatuloy ng panayam ng GMANetwork.com sa bagong Kapuso actor, inisa-isa din niya ang kahalagahan ng international exposure sa mga Pinoy volleyball players.

Paliwanag niya, “Pagdating mo sa ibang bansa doon mo makikia 'yung iba't-ibang style. The way magturo 'yung mga coaches, the way 'yung system noong isang team.

"Gaya noong sa Japan, ang dami naming natutunan doon: blocking, 'yung bilis sa depensa, 'yung teamwork.

Dagdag ng model-actor, “At bonus na lang doon 'pag talagang mafi-feel n'yo na iisa kayo gumalaw. So, iba pa rin pag international exposure dahil mas marami kayo matutunan na puwedeng magamit n'yo pag may iba kayong kalaban na country.”

John Vic De Guzman, piniling tumulong kahit stranded sa Isabela noong ECQ

John Vic De Guzman is finally home with GMA Network

LOOK: Hotties you'd want to cuddle with in cold weather