
Aliw na aliw ang mga netizens kay Ruffa Gutierrez sa viral clip nito mula sa Mars Pa More kasama sina Mars Camille Prats at Mars Wilma Doesnt. Sa naturang video na ito, naglaro sina Ruffa, Camille, at Wilma ng "Giant Jackstone" game.
Bago pa man magsimula ang laro ay bentang-benta na si Mars Ruffa dahil habang nagma-maiba taya pa lang sila ay nagkamali na agad ang dating beauty queen. Mas lalo pang naging masaya ang lahat nang naglaro na siya ng Giant Jackstone game!
Panoorin ang viral Mars Pa More video ni Ruffa na in-upload ng Facebook netizen na si Ark Aguas below:
Sa kasalukyan ay mayroon na itong 75K reactions, 29K shares, at 8.7K comments!
Ayon naman sa kaniyang tweet, masaya si Ruffa na nakapagpaligaya ng maraming netizens ang kaniyang viral video.
Soooo... my friend sent this to me with this message : “Oh my gosh Ruffi... I died laughing! Hahahahaha”
-- Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) September 7, 2020
I have no idea why this video went viral but enjoyyy! I'm happy that I made you laugh 😂 🤪😋😅🤣https://t.co/7QF40N80Ur
Nitong August lang ay nag-viral din si Ruffa matapos niyang makipag-TikTok kasama ang mga niyang sina Lorin at Venice Bektas.