Sexy Kapuso stars Ella Cristofani, Joaquin Manansala, at Yvette Sanchez, nagpatalbugan sa 'Game Night'
Published September 09, 2020, 04:40 PM
Nakipagkulitan ang mga sexy Kapuso stars na sina Ella Cristofani, Joaquin Manansala, at Yvette Sanchez sa Game Night ng GMA Artist Center kasama ang host nito na si Jeric Gonzales.
Sa Game Night, naglaro ang apat na artista ng masasayang games na "Bring Me" at "Face The Cookie."
Pagkatapos naman ng kanilang kulitan ay nagkuwentuhan na sina Jeric, Ella, Joaquin, at Yvette ng kani-kanilang plans pagkatapos ng pandemic gaya ng una nilang gagawin at mga lugar na nais nilang puntahan.
'Wag palampasin ang masasayang happenings sa Game Night on GMA Artist Center's YouTube channel and Facebook page and GMA Network's official Facebook page.