What's Hot

Ang Prince Charming ni Gwen

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2020 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPC seeks bigger workforce to roll out 2026 programs
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Sino nga kaya ang maituturing na ‘Prince Charming’ ni Gwen Zamora? There's only one way to find out!
Sino nga kaya ang maituturing na ‘Prince Charming’ ni Gwen Zamora? Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. stars Marami ang nag-abang sa pagsisimula ng kuwento ni Grazilda. Muling binabalikan ng Grazilda ang isa sa mga pinakakilalang fairy tales sa mundo, ang istorya ni Cinderella. Binibigyang-buhay ng isa sa mga fresh faces ng GMA, si Gwen Zamora, ang isa sa mga favorite fairy tale princesses ng mga bata mula noon hanggang ngayon. Muling nakita ng mga manonood kung paanong nabighani ni Cinderella si Prince Charming at kung paano siyang hinanap ni Prince Charming upang gawing kanyang prinsesa. Ngunit kung sa Grazilda ay si Prince Charming ang nagpapaibig kay Cinderella, sa tunay na buhay kaya, sino ang nagpapakilig kay Gwen? “Si Aljur!” sagot ni Gwen. Ano kaya ang mga katangian ni Aljur Abrenica na kanyang nagugustuhan? “Ang ganda ng charisma niya e. Tapos ang cute niya,” paglalahad niya. “Very Pinoy-looking. Gusto ko yun e, very Pinoy, parang machong-macho.At charming. Cute yung eyes niya e.” Maituturing nga kaya niyang kanyang Prince Charming si Aljur kung ganun? “Hindi! Si Benedict [Campos] yun,” pabirong sagot ni Gwen. Kinkilig namang nagkuwento si Gwen tungkol sa kanilang pagkikita ni Aljur kamakailan sa Party Pilipinas. “Nakita ko siya sa Party P., namumula ako! “ kuwento niya. “Sabi niya, ‘Hi, I’m Aljur,’ pero kilala na niya ako. Parang nag-joke lang. Tawa lang ako ng tawa.” Ano naman kaya ang mararamdaman ni Gwen kung malaman niya na may gusto din sa kanya ang kanyang crush na si Aljur? “Wala na akong masabi,” kinikilig na sagot niya. Simple lang din ang kanyang naging sagot nang matanong siya kung ano ang kanyang mararamdaman kung makakatrabaho niya si Aljur in the future. “E di masaya!” Until then, patuloy na mapapanood si Gwen bilang si Cinderella sa Grazilda weeknights on GMA. Pag-usapan si Gwen sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!