What's Hot

Alamat: Ang pag-iibigang pinagtibay ng bahaghari

By Jansen Ramos
Published September 17, 2020 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Liwliwa at Wigan sa Alamat ng Bahaghari


Tuklasin ang kwento ng mag-asawang sina Wigan at Liwliwa na sinagip ng isang makulay na tulay.

Ngayong 2020, muling ipinapalabas ang first local animated anthology series na Alamat.

Sa makasaysayan nitong pang-limang pagtatanghal, natunghayan ang kwento ng unang bahaghari kung saan tampok ang magsasakang si Wigan at dalagang bituin na si Liwliwa.

Ayon sa kwento, napansin ni Wigan na gabi-gabi na lang may sumisira sa kanyang payaw kaya minabuti niyang bantayan ito at huliin kung sino ang salarin.

Isang gabi, namataan niyang may tatlong dalagang bituin na naglalaro sa kanyang payaw na dahilan ng pagkasira ng kanyang taniman. Bilang ganti, kinuha ni Wigan ang pakpak ng isang dalagang bituin na nagngangalang Liwliwa.

Inumaga na kakahanap si Liwliwa ng kanyang pakpak kaya hindi na siya nakauwi sa langit kasama ang kanyang dalawang kapatid.

Dinamayan naman ni Wigan ang dalagang bituin hanggang sa nagkamabutihan sila ng loob at naging mag-asawa rin.

Isang araw, habang nagwawalis, nakita ni Liwliwa ang matagal na niyang hinahanap na pakpak sa isang baul ni Wigan.

Labis na nagalit ang ginang sa kanyang asawa kaya minarapat niyang umuwi sa kanilang kaharian sa langit ngayong nakita na niya ang kanyang pakpak.

Pinagsisihan ni Wigan ang kanyang ginawa at humiling sa bathala na mapatawad siya ni Liwliwa.

Ginantimpalaan naman ang magsasaka na makapunta sa langit para makapilig si Liwliwa pati ang kanilang anak. Ngunit, pagdating niya roon, nalito ang ginoo noong nakita niyang pitong dalagang bituin ang kamukha at kaboses ni Liwliwa.

Hindi kalaunan, natukoy din ni Wigan ang kanyang asawa nang mahaplos nito ang kanyang magaspang na kamay, na dulot ng pananatili niya sa lupa.

Araw-araw ang pag-akyat ni Wigan sa langit gamit ang lubid para humingi ng kapatawaran kay Liwliwa. Ngunit isang araw, bumuhos ang napakalakas na ulan.

Lubhang naawa si Liwliwa kay Wigan kaya sinubukan niyang tulungan ito.

Naisip ng pitong kapatid ni Liwliwa na gumawa ng tulay na sasalo sa mag-asawa sa pamamagitan ng paghila ng hibla ng liwanag ng araw at buwan at saka sila nagsimula maghabi.

Agad namang nagdikit-dikit ang mga hinabi nilang tali sa hangin. Mula rito nabuo ang isang makulay na tulay na tila isang mahabang bahag na siyang nagligtas sa mag-asawa

Liwliwa at Wigan sa Alamat ng Bahaghari

Ang mga karakter nina Wigan at Liwliwa ay binosesan nina Gabby Eigenmann at Glaiza De Castro.

Patuloy na subaybayan ang Alamat tuwing Lunes at Martes, 8:25 a.m., bago mag-Mars Pa More.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, maaaring mapanood ang aired full episodes ng 2015 series sa GMANetwork.com at GMA Network app.