
Proud wife si Marian Rivera para sa natanggap na award ng kanyang mister na si Dingdong Dantes mula sa 15th Seoul International Drama Awards.
Pinarangalan si Dingdong ng Asian Star Prize sa katatapos lamang na Seoul International Drama Awards para sa kanyang pagganap bilang si Captain Lucas Manalo o Big Boss sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation). Naganap ang awarding ceremony sa YouTube channel ng MBC Drama nitong September 15.
Hindi agad naipagdiwang ng pamilya ni Dingdong ang kanyang panalo. dahil kinailangan kasing sumailim ng Kapuso Primetime King sa lock-in taping para makumpleto na ang episodes ang naturang Kapuso adaptation.
Medyo huli man, ipinarating pa rin ni Marian na ipinagmamalaki niya ang achievement ng kanyang asawa.
Aniya, “Congrats mahal for receiving the Asian Star Prize award at the Seoul International Drama Awards! So proud of you always... Na miss kita ang tagal mong nawala sa bahay, pwes ngayon wag ka aalis sa paningin ko! Wag ka gagalaw dyan ka lang. LOL Saranghae!”
Kung si Dingdong ay nakabalik-trabaho na, ipinaliwanag naman ni Marian na hindi na siya matutuloy sa pagganap sa First Yaya bilang pag-prioritize sa kanyang pamilya at kaligtasan ngayong may pandemiya.