What's Hot

Derek Ramsay on Andrea Torres's family, "They are now part of my family"

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 19, 2020 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Caprice Cayetano fails to advance in gift of immunity challenge
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Derek Ramsay and Andrea Torres


Nilinaw ni Derek Ramsay na hindi sila nagli-live in ni Andrea Torres pero bukas ang kanyang bahay para sa pamilya ni Andrea.

Kamakailan ay ipinasilip ni Derek Ramsay ang kanyang bahay sa isang exclusive subdivision sa Alabang kasama ang kanyang girlfriend na si Andrea Torres.

Derek Ramsay and Andrea Torres

Andrek Vlogs (YouTube)

Habang itinu-tour ni Derek ang kanyang bahay sa vlog, madalas na nababanggit ni Derek na “our house,” kaya naman maraming nagtanong kung nagli-live in na ang dalawa.

Paliwanag naman ni Derek, hindi doon nakatira si Andrea pero welcome ang kanyang buong pamilya sa kanyang bahay.

Saad niya sa 24 Oras, “I've opened up my doors to them, they are now part of my family. So that's why I say it's our house.”

Paglilinaw din ni Andrea, mas gusto niyang kasal na sila bago sila tumira sa iisang bahay.

Aniya, “Of course I respect 'yung mga nagli-live in pero sa sarili ko lang na paniniwala, gusto ko may basbas ng Diyos bago kami magsama talaga sa isang bahay.”

Hindi pa magkarelasyon sina Derek at Andrea noong ipinapagawa ni Derek ang kanyang bagong bahay. Noong naging magkarelasyon sila, nagpatulong na si Derek sa pagdidisensyo at paglalagay ng ilang furniture sa bahay.

Kuwento niya, “I was building this house for the next chapter in my life. Hindi ko pa alam na Andrea was gonna come into my life.

“And I'm very lucky that she did and it was in the middle of the whole process na ginagawa ko 'tong bahay na 'to.

“There were lots of things that were changed because she was in my life na.

“So I was like, ok, this is for my future, this is for our future, so todo na natin ito.”

Nagbabala naman si Derek sa isang taong nagpapanggap na siya upang makakuha ng tatlong babae para diumano sa isang stag party.

Payo ni Derek, wag na lang pansinin ang sinumang gumagamit ng kanyang pangalan.

Paalala niya, “Ang advice ko lang, guys, pag nakarinig na kayo ng ganyan or nakatanggap kayo ng text na ganyan, wag niyo na lang sagutin and don't ever meet with this person.”


IN PHOTOS: Derek Ramsay's cozy and modern three-story Alabang house